unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

WILDFIRE SA CANADA, HINDI MAKONTROL; PATULOY NA LUMALALA!

Posted by philpiccio | Aug 10, 2026 | 0

WILDFIRE SA CANADA, HINDI MAKONTROL; PATULOY NA LUMALALA!

Nagpadala na ng tulong ang Canadian government dahil sa paglala ng wildfire sa Canada na pumatay na ng isang residente at nagpalikas sa libo-libong katao.

Ayon sa British Columbia (BC) Wildfire Service, umabot na sa 102 ang kabuuang bilang ng sunog sa buong probinsya at kalahati rito ay hindi na makontrol sa kasalukuyan.

Dahil dito, napilitang lumikas ang halos 22,000 residente mula sa kanilang mga tahanan sa lungsod ng British Columbia.

Maliban pa rito, pumatay din ang sunog ng isang 80-taong gulang na babae habang sinusubukan nitong tumakas mula sa Okanagan Lake.

Mabilis na pagkalat ng wildfire sa Canada

Mabilis na kumalat ang sunog kaya inilikas ang buong komunidad ng Summerland at ang kalapit na bayan ng Peachland.

Samantala, nasa 10,000 residente naman ang binigyan ng babala na maghanda sa posibleng mabilisang paglikas anumang oras kapag lumala pa ang wildfire.

Dahil sa panganib, nagdeklara na ng state of emergency si Premier David Eby para sa buong probinsya.

Tulong ng gobyerno laban sa wildfire sa Canada

Inaprubahan na ng emergency management minister ang tulong ng pederal na gobyerno para sa temporary shelter ng mga biktima.

Dagdag pa rito, gumagamit na ang mga bombero ng 10 regular na helikopter at isang night-vision helikopter sa pagsugpo ng wildfire.

Epekto ng climate change sa panahon

Ayon sa mga eksperto, dulot ng human-caused climate change at mahabang tagtuyot ang mabilis na paglala ng mga sunog.

Bukod dito, patuloy na nag-aalab ang mga sunog kahit sa gabi dahil sa matinding tuyong kondisyon ng kagubatan.

Samantala, may mga sunog din sa ibang lugar sa United States gaya na lang Washington, kung saan inaresto ang isang lalaki dahil sa pagsisimula nito.

Share:

PreviousLACTOSE INTOLERANCE: HINDI LANG SA SIKMURA, NASA GENES RIN?
NextALEXSANDRA ANN DIAZ, SUSUNOD SA YAPAK NI HIDILYN DIAZ?

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Facebook, Google, at Twitter CEO’s, inaasahang dadalo sa US Congress

Facebook, Google, at Twitter CEO’s, inaasahang dadalo sa US Congress

March 28, 2018

FOREIGN POLICY NG US SA CUBA: ISUSUNOD SA IRAN?

FOREIGN POLICY NG US SA CUBA: ISUSUNOD SA IRAN?

March 9, 2026

Can blood pressure drugs help reduce dementia risk?

Can blood pressure drugs help reduce dementia risk?

June 9, 2019

Duterte to visit South Korea on June 3-5

Duterte to visit South Korea on June 3-5

June 2, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .