Ang lactose intolerance ay hindi lamang simpleng sakit sa tiyan kundi isang kondisyon na naka-ugat sa ating genes. Ayon sa National Institutes of Health (NIH), ito ay ang kawalan ng kakayahan ng katawan na matunaw ang lactose. Dahil dito, ang lactose intolerance ay nagdudulot ng iba’t ibang discomfort sa sikmura pagkatapos kumain ng dairy products.
Ang Genetic Basis ng Lactose Intolerance
Ang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ng enzyme na lactase na ginagawa ng ating maliit na bituka. Sa katunayan, ang kakayahang tunawin ang gatas paglaki ay isang genetic mutation na naganap libu-libong taon na. Ang ating mga ninuno ay hindi uminom ng gatas matapos silang dumaan sa panahon ng pagiging sanggol. Kaya naman, ang lactose intolerance ay natural na estado ng tao, hindi isang sakit o pagiging mahina. Kaya ang kakayahang uminom ng gatas sa pagtanda ay resulta ng gene na lactase persistence na nakuha sa ebolusyon.
Lactose Intolerance at Gut Health
Kung mayroon na kondisyong ito, ang lactose ay hindi natutunaw at napupunta sa iyong malaking bituka. Ang bacteria sa bituka ay nagpe-ferment, na nagdudulot ng gas, bloating, at pananakit ng sikmura. Sumakatuwid, ang inflammation na dulot nito ay maaaring makasama sa pangkalahatang kalusugan ng digestive system. Ang pag-unawa rito ay makakatulong upang mabago ang iyong diet at maiwasan ang mga ganitong sintomas.
Pag-unawa sa Genetics para sa Kalusugan
Ayon sa gastroenterologist na si Dr. Christine Lee, ang pamumuhay nang may lactose intolerance ay tungkol sa pagbabawas ng sintomas at pagkakaroon ng disiplina sa pagkain. Mahalagang malaman na ang genes ay nagdidikta kung paano tumutugon ang iyong katawan sa mga kinakain. Ang pagkakaroon ng lactose intolerance ay halimbawa kung paano nag-evolve ang tao para mag-adapt sa ating kapaligiran. Gayunpaman, ang pagkonsulta sa doktor ay susi upang matiyak ang tamang diet at pangangalaga sa digestive health.

