unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

AMA SA TARLAC, ANAK NA LGBTQ ANG KA-DATE SA ARAW NG MGA PUSO

Posted by philpiccio | Feb 18, 2026 | 0

AMA SA TARLAC, ANAK NA LGBTQ ANG KA-DATE SA ARAW NG MGA PUSO

Sa gitna ng selebrasyon ng Araw ng mga Puso, isang ama mula Barangay San Andres, Victoria, Tarlac ang pinuri online.

Marami sa netizens ang natuwa at naantig dahil ginawa niyang espesyal ang Valentine’s Day para sa kanyang anak na LGBTQ.

Nagviral si Les Quijano Tuquero matapos yayain sa simpleng date ang 9-anyos na anak na si Rein Ezekiel Tuquero o “Kiela.”

Dahil nasa ibang bansa ang kanyang asawa, siya muna ang ka-Valentine ng anak at ipinakita ang buong suporta at pagmamahal.

Sa social media, ibinahagi ni Les ang kanyang damdamin, “Happy Valentine’s my Queen Ezekiel Tuquero. I love you palagi, nak.”

Dagdag pa ni Les sa kanyang mensahe sa Facebook post, “Higit pa sa bulaklak, tanggap kita kung sino ka.”

Ayon sa ama sa Tarlac, madalas silang dalawa ng anak ang magkasama habang nasa nagtatrabaho sa malayo ang kanyang asawa.

Sinabi pa niya na hindi niya kailanman ikinahiya ang pagkatao ng kanyang anak, sa halip ay pinili niyang unawain ito.

Pahayag pa ni Les, masaya ang kanyang anak sa gusto niya, kaya susuportahan niya ito sa ninanais niyang maging siya.

Samantala, naging makulay ang kanilang date dahil may pista sa Victoria, namasyal sila sa plaza, kumain ng bibingka at balot.

Sumakay rin sila sa ilang rides, bukod dito, mas naging makahulugan ang gabi nang bigyan niya ng bulaklak ang anak.

Ito ang kauna-unahang bouquet na natanggap ni Ezekiel, hindi matatawaran ang kanyang saya dahil tanggap siya sa kung sino siya.

May tatlong anak si Les, pantay ang kanyang pagmamahal, mensahe niya sa kapwa magulang na tanggapin ang kanilang mga anak.

Aniya, hindi magiging masaya ang mga anak kung pipigilan sila, kaya naging simbolo ang simpleng date ng tunay na pag-ibig.

Share:

PreviousMALALAKING PABRIKA NG ILEGAL NA SIGARILYO SA PAMPANGA, IPASASARA
Next‘Lead by Example’ Hamon Para Maisabatas ang Anti-Political Dynasty Bill

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

USA SA 500-PESO BILL, KILALANIN!

USA SA 500-PESO BILL, KILALANIN!

July 2, 2026

FIRE INSPECTOR MULA TARLAC, NAGLIGTAS NG BUHAY SA JAPAN

FIRE INSPECTOR MULA TARLAC, NAGLIGTAS NG BUHAY SA JAPAN

June 3, 2026

TRAVELLER’S FOOD HUB KAINAN NA BUS STOP, MAY PUSO SA MGA BYAHERO

TRAVELLER’S FOOD HUB KAINAN NA BUS STOP, MAY PUSO SA MGA BYAHERO

August 25, 2025

DUBAI INSPIRED PASYALAN SA TALAVERA, NUEVA ECIJA

DUBAI INSPIRED PASYALAN SA TALAVERA, NUEVA ECIJA

June 2, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .