Tagumpay ng Pilipinas sa Asian Para Game 2026

Nagtapos ang campaign ng Pilipinas sa Asian Para Games matapos makakuha ang mga atleta ng kabuuang pitong medals.

Nag-uwi ang pambansang team ng dalawang gold, dalawang silver, at tatlong bronze mula sa iba’t ibang para sports.

Pinangunahan ng mga swimmers sa Asian Para Game ang medal haul matapos magwagi sina Ernie Gawilan at Ariel Joseph Alegarbes.

Nakuha ni Gawilan ang gold sa men’s 400m freestyle S7 at silver sa 200m individual medley SM7.

Samantala, nagdala naman si Alegarbes ng panibagong gold medal mula sa kanyang panalo sa men’s 100m backstroke S14.

Nagdagdag pa ng bronze medals sina Raemond Adefuin sa swimming, King James Reyes at Ma Ravinia Carpena sa athletics.

Dagdag pa rito, nakakuha rin ng silver medal sina Wilfred Redulla at Lhey Manginsay sa table tennis mixed doubles.

Kaya naman, dumalo ang buong Philippine delegation kasama sina Chef de Mission Kiko Diaz at Philippine Paralympic Committee Secretary-General Goody Custodio II sa ginanap na closing ceremony nitong Linggo sa Japan.