In case you didn’t know, halos bawat bayan o lungsod sa Pilipinas ay may barangay o lugar na kung tawagin ay Poblacion.

Pero naisip mo na ba kung bakit ito ang laging tawag sa sentro ng bayan?

Ang salitang ito ay galing sa Espanyol na ibig sabihin ay “pamayanan.”

Nagsimula ito noong pananakop ng Spain sa ilalim ng patakarang Reducción.

Tinipon ang ating mga ninuno sa paligid ng simbahan, munisipyo, at palengke para mas madali silang pamahalaan.

Tinawag itong “plaza complex,” kung saan dapat naririnig ng lahat ang kampana ng simbahan.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts, nanatili ang ayos na ito kahit matagal nang wala ang mga Espanyol.