unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

CLSU Maestro Singers, back to back champion sa international choir competitions | TV48 Station

Posted by philpiccio | Oct 31, 2024 | 0

CLSU Maestro Singers, back to back champion sa international choir competitions | TV48 Station

CLSU Maestro Singers, back to back champion sa international choir competitions

Back to back champion ang Central Luzon State University Maestro Singers sa dalawang magkaibang international choir competitions na ginanap sa Japan at Taiwan nitong July 29 hanggang August 2, 2022.

Umani ng mga pangunahing parangal ang CLSU Maestro Singers sa ilalim ng Category V o virtual category 2022 Tokyo International Choir Competition sa Harumi na ginanap sa Dai-ichi Seimei Hall, Tokyo, Japan.

Kasama sa mga parangal ang Category Winner na may score na 89.40, Gold Prize Award at Audience Prize Award para sa pinakamataas na bilang ng likes sa Youtube.

Nasungkit din ng nasabing grupo sa Taipei International Choral Festival ang dalawang parangal na Category Winner para sa Virtual Choir Competition at ang Gold Award na may markang 90.15.

Hindi naman inexpect ng grupo na sila ang mananalo sa kategoryang kanilang sinalihan dahil mahuhusay ang kanilang mga nakalaban na mula sa Japan at Taiwan.

Ang kanilang masterpiece version ng “Paraiso” na isinulat ni Ryan Cayabyab at inayos ni Christopher Borela ang kanilang naging entry sa dalawang nabanggit na kompetisyon. Kasama sa kanilang naging premyo ang tropeo at certificate.

Ang CLSU Maestro Singers ay kilala na sa pagsali sa mga international choir competition kung saan ngayong taon ay tatlong beses na silang lumahok sa ibang bansa at lahat ng ito ay kanilang napagtagumpayan.

Share:

PreviousBABAE, NAKATANGGAP NG SAGOT MULA SA INAPLAYANG TRABAHO MAKALIPAS ANG 48 TAON
NextMAGNANAKAW NG BATERYA NG TRUCK SA BAYAN NG BONGABON, NAHULIHAN DIN NG BARIL AT ILLEGAL NA DROGA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Mga katangi-tanging guro, kinilala sa kauna-unahang Convergence of Outstanding Educators

Mga katangi-tanging guro, kinilala sa kauna-unahang Convergence of Outstanding Educators

October 11, 2018

$120 MILLION, HALAGA NG 8-TAONG EKSTENSYON SA KONTRATA NG ISANG NBA COACH

$120 MILLION, HALAGA NG 8-TAONG EKSTENSYON SA KONTRATA NG ISANG NBA COACH

January 19, 2024

Pagtawag sa Panginoon sa oras ng matinding pagsubok, tampok sa testimonya sa CYB

Pagtawag sa Panginoon sa oras ng matinding pagsubok, tampok sa testimonya sa CYB

August 11, 2022

Libreng patubig sa bukid, inaasahan sa Administrasyon ni Pangulong Duterte

Libreng patubig sa bukid, inaasahan sa Administrasyon ni Pangulong Duterte

October 6, 2016

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .