unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

COVERED COURT SA RESTITUTO B. PERIA NHS, PINASINAYAAN SA ALIAGA

Posted by philpiccio | Mar 3, 2026 | 0

COVERED COURT SA RESTITUTO B. PERIA NHS, PINASINAYAAN SA ALIAGA

Pormal na pinasinayaan ang bagong multi-purpose covered court ng Restituto B. Peria National High School sa Barangay Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng pasilidad pang-edukasyon sa lalawigan.

Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Vice Governor Gil Raymond “Kuya Lemon” M. Umali, bilang kinatawan ng ama ng lalawigan na si Governor Aurelio “Oyie” M. Umali.

Ayon kay Vice Governor Umali, ang nasabing pasilidad ay magsisilbing lugar para sa mga aktibidad ng paaralan tulad ng palakasan, programa, at mga gawaing pang-akademiko.

Bukod dito, maaari rin itong gamitin bilang evacuation center sa oras ng kalamidad, na malaking pakinabang para sa buong komunidad.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Seal of Good Local Governance, Incentive Fund (SGLG-IF), patunay ng maayos at tapat na pamamahala ng Pamahalaang Panlalawigan.

Dumalo rin sa seremonya ang mga opisyal ng DepEd, sa pangunguna ni Dr. Ronaldo Pozon, School Division Superintendent.

Bilang katuwang ng DepEd sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon, ibinahagi ni Pozon kung gaano sya nasisiyahan sa tinatamasa ng bawat paaralan at mag-aaral sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.

Ipinahayag naman ng mga guro at mag-aaral ang kanilang pasasalamat sa proyektong magpapabuti sa kanilang mga gawain at magbibigay ng mas ligtas at komportableng pasilidad.

Share:

PreviousMAYWEATHER VS PACQUIAO 2: REMATCH SA LAS VEGAS
NextUAE AIR DEFENSE NAHARANG ANG MGA IRANIAN MISSILES

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

MRT, walang biyahe sa Kuwaresma

MRT, walang biyahe sa Kuwaresma

March 21, 2019

44 nasawi 26 sugatan, sa bakbakan ng BIFF

44 nasawi 26 sugatan, sa bakbakan ng BIFF

March 12, 2018

EO laban sa “endo”, pirmado na ng pangulo ngayong Labor Day

EO laban sa “endo”, pirmado na ng pangulo ngayong Labor Day

May 1, 2018

PDU30 names Martires as the new Ombudsman

PDU30 names Martires as the new Ombudsman

July 27, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .