Alam mo ba na ang mga dolphins ay hindi natutulog na katulad ng mga tao?
Ayon sa Whale and Dolphin Conservation, upang makapagpahinga, kalahati lamang ng kanilang utak ang natutulog habang ang kabilang bahagi ay nananatiling alerto.
Isang mata lamang ang kanilang ipinipikit, depende kung aling bahagi ng utak ang nagpapahinga.
Karaniwan silang nagpapahinga sa ibabaw ng tubig o dahan-dahang lumalangoy habang patuloy na humihinga.

