Ipinagbawal na ng pamahalaan ang elephant rides sa Indonesia upang protektahan ang kalusugan ng mga elepante sa buong bansa.

Ang patakaran ay ipinairal ng Ministry of Forestry upang wakasan ang pagpapahirap sa mga hayop sa mga tourism facilities.

Dahil dito, ang Indonesia ang naging pinakaunang bansa sa buong Asya na nagpatupad ng ganitong uri ng patakaran.

Sakop ng bagong kautusan ang lahat ng zoo, safari park, at turismo sa mga sikat na pasyalan katulad ng Bali.

Samantala, ang mga pasilidad na hindi susunod sa bagong batas ay posibleng mawalan ng kanilang mga permit at lisensya.

Bukod dito, ipinatupad ang mahigpit na pagmomonitor sa mga tourism venues upang masigurong masusunod ang mga bagong regulasyon.

Dahil sa bagong patakaran, ang mga pasyalan na mayroong elepante ay magsisilbi bilang pang-educationg purposes na lamang.

Sa pamamagitan nito, malayang makakakain, makakaligo, at makakasalamuha ang mga elepante nang walang bitbit na mabibigat na turista sa likod.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng matagal na kampanya ng mga grupong World Animal Protection at People for the Ethical Treatment of Animals.