unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

EVTOL FLYING CARS, BAGONG MUKHA NG TRANSPORTASYON?

Posted by philpiccio | May 26, 2026 | 0

EVTOL FLYING CARS, BAGONG MUKHA NG TRANSPORTASYON?

EVTOL flying cars ang nakikitang solusyon ng maraming kumpanya sa mundo para sa mas mabilis at modernong pagbiyahe sa hinaharap.

Ang eVTOL o electric vertical take-off and landing aircraft ay mga de-kuryenteng sasakyan na kayang lumipad nang patayo.

Bukod sa United States at Europe, mabilis din ang pag-unlad ng teknolohiyang ito sa iba’t-ibang bansa sa Asia.

Kaugnay ng development na ito, apat na eVTOL aircraft ang inilunsad sa Hubei, China noong nakaraang Pebrero.

Ang mga makabagong sasakyang ito ay kasinglaki lamang ng isang family sedan pero may kakayahang magsakay ng apat na tao.

Sa kasalukuyan, kaya rin ng mga ito na lumipad nang higit sa 20 minutes sa bawat biyahe.

Inaasahan naman na opisyal nang magsisimula ang kanilang sightseeing operations pagdating ng taong 2027.

Apat na Disenyo ng EVTOL Flying Cars

May apat na pangunahing teknolohiya na ginagamit ngayon sa pagbuo ng mga modernong eVTOL aircraft sa buong mundo.

Unang modelo rito ang “multicopter” na gumagamit ng maraming propeller at gumagana na katulad ng isang karaniwang drone.

Epektibo ito sa vertical take-off, landing, at hovering ngunit hindi ito efficient gamitin para sa mga malalayong biyahe.

Pangalawa naman ang “lift & cruise” na pinagsamang teknolohiya ng multicopter at karaniwang eroplano na may sariling pakpak.

Dahil sa mga pakpak na ito, kaya nitong lumipad sa mas malalayong distansya kumpara sa unang modelo.

Gayunpaman, mas maingay ang disenyong ito dahil sa mas kaunti at mas maiikling blades ng propeller nito.

Pangatlo ang disenyo na tinatawag na “tiltrotor” kung saan ang mga rotor sa pakpak ay kayang tumagilid paitaas at paibaba.

Panghuli ang “ducted vectored thrust” na hindi gumagamit ng propeller kundi mga de-kuryenteng fan para sa paglipad.

Mas tahimik ang modelong ito at mahusay sa malalayong distansya ngunit nangangailangan ito ng napakalaking lakas ng kuryente.

Epekto ng mga Bagong EVTOL Flying Cars

Hindi tulad ng mga tradisyunal na helicopter, ang mga eVTOL ay mas matipid, tahimik, at environment-friendly.

Sa halip kasi na gasolina, kuryente ang gamit sa eVTOL at hindi ito nagbubuga ng usok na nakakaapekto sa kapaligiran.

Share:

PreviousPALARONG PAMBANSA 2026: CENTRAL LUZON PATRIOTS, PASABOG ANG ENTRANCE!
NextDAGSAAN SA ENROLLMENT AT SCHOOL SUPPLIES, NAGSIMULA NA!

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

A new research says: Number of kids and teens at risk for suicide is rising

A new research says: Number of kids and teens at risk for suicide is rising

May 21, 2018

REPORMA SA EDUKASYON, TULOY; SEN. AQUINO, SUPORTADO SI SEN LEGARDA

REPORMA SA EDUKASYON, TULOY; SEN. AQUINO, SUPORTADO SI SEN LEGARDA

May 25, 2026

Pumanaw na Bollywood Actress, binigyang pagkilala ng National Film Awards

Pumanaw na Bollywood Actress, binigyang pagkilala ng National Film Awards

May 4, 2018

Eco-Friendly na mga sasakyan, patok sa Korea

Eco-Friendly na mga sasakyan, patok sa Korea

June 8, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .