Para sa maraming pet owners, hindi nagtatapos ang pagmamahal sa kanilang mga alaga sa kanilang pagpanaw.
Ito ang naging inspirasyon ng Pawradise Memorial and Cremation sa Cabanatuan City na nag-aalok ng memorial at cremation services para sa mga fur babies.
Tumatanggap ang Pawradise ng iba’t ibang alagang hayop at mayroon ding mga package na maaaring piliin ng fur parents.
Layunin ng serbisyo na mabigyan ang mga pet owner ng lugar kung saan maaari silang maayos na makapagpaalam sa kanilang mga alaga.
Matatagpuan ang Pawradise Memorial and Cremation sa Champaca Street, Ireneville Subdivision, San Isidro, Cabanatuan City, Nueva Ecija, at tumatanggap din ng mga kliyente mula sa mga karatig na lugar.

