GURO, VIRAL DAHIL MALI DAW ANG TINUTURO

Umabot na sa 26 million views at mahigit 400K reactions ang Facebook reels na inupload ni Teacher Anne kung saan itinuro nito sa kanyang mga estudyante ang English-Tagalog translation ng 8 parts of Speech.

Ayon sa ilang mga netizen na nagkomento, mali daw ang spelling ni Teacher Anne sa “pangngalan” na katumbas sa tagalog ng “noun” na dapat daw ay “pangalan”.

May nagsabi pang siguro ay bago lamang sa pagtuturo ang naturang guro dahil mali daw ang Filipino translation nito sa “noun”.

Marami naman sa mga netizen ang nagtanggol sa guro at sinabing tama si Teacher Anne dahil magkaiba ang “pangalan” na sa English translation ay “name” at “pangngalan” naman ang para sa “noun”.

Ipinagtanggol din ito ng netizen na si Ben Ritchie Layos kung saan ipinost nito ang screenshot ng video ni Teacher Anne kalakip ang screenshots ng komento ng ilang netizen na pumuna dito, at nilagyan nito ng caption na “Kids, go to school and study well. P.S: Ma’am is right to those who misunderstood this post.”

Umani din ng mahigit 100K reactions at 94K shares ang post ni Layos sa kanyang Facebook account.

Dahil ‘tila nabaligtad ang sitwasyon ng mga pumuna sa guro ay hindi na umano makita sa comment section ng video ni Teacher ang komento ng mga ‘tila nagmamagaling na netizen.