unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

Halos 3,200 na pamilya, tatanggalin sa listahan ng 4ps ng DSWD-Nueva Ecija

Posted by philpiccio | Jul 28, 2022 | 0

Halos 3,200 na pamilya, tatanggalin sa listahan ng 4ps ng DSWD-Nueva Ecija

Kasunod ng anunsiyo ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na lilinisin ang listahan ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay nagsimula na ng assessment ng ang mga frontliners ng ahensiya sa bawat bayan at lungsod dito sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Christer Carandang, Partnerships Officer ng DSWD-NE, aabot sa 3, 194 households out of 84, 500 active members ang initial target nila na maalis sa nasabing listahan.

Paglilinaw ni Officer Carandang, dating ‘deserving’ ang mga matatanggal sa listahan pero dahil sa 4Ps ay umunlad na ang kanilang pamumuhay kaya kinokonsidera na silang nasa level 3 base sa kanilang assessment indicator na ibig sabihin umano kaya nang tumayo sa sarili nilang mga paa nang wala nang suporta ng gobyerno.

Ang mga mababakanteng slots ay muling pupunan ng mga bagong beneficiaries.

Dagdag nito, hindi inaaplayan ang pagiging benepisyaryo ng nasabing programa kundi mayroon silang mga enumerators na nagbabahay-bahay upang alamin kung sino ang mga dapat na masali sa listahan.

Sa kasalukuyan umano ay nasa mahigit P100-Billion ang kabuuang budget ng 4Ps, habang 4.4 million naman ang active beneficiaries sa buong bansa.

Pangunahing benepisyo sa ilalim ng programang ito ang cash grants para sa edukasyon, at kalusugan ng pamilya na natatanggap sa pamamagitan ng kanilang cash cards.

Share:

PreviousHALOS P4-B, PINSALA NI KARDING SA AGRIKULTURA NG NUEVA ECIJA; STATE OF CALAMITY, IDINEKLARA
NextMahigit 409,000 na National ID, nai deliver na ng PSA Nueva Ecija

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Former Governor Umali, guest speaker sa Oath Taking ng mga bagong opisyales ng NEPCI

Former Governor Umali, guest speaker sa Oath Taking ng mga bagong opisyales ng NEPCI

January 18, 2017

30 candidate ng Mutya ng Pilipinas 2014, pumarada sa Nueva Ecija

30 candidate ng Mutya ng Pilipinas 2014, pumarada sa Nueva Ecija

August 11, 2014

Kapos na pondo para sa P2,000 pension hike, pinabulaanan ng SSS

Kapos na pondo para sa P2,000 pension hike, pinabulaanan ng SSS

January 24, 2017

NECSL Volleyball: NEUST Phoenix, nabawi ang pagiging kampeon sa WUP Riders

NECSL Volleyball: NEUST Phoenix, nabawi ang pagiging kampeon sa WUP Riders

October 2, 2014

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .