unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Halos 3,200 na pamilya, tatanggalin sa listahan ng 4ps ng DSWD-Nueva Ecija

Posted by philpiccio | Jul 28, 2022 | 0

Halos 3,200 na pamilya, tatanggalin sa listahan ng 4ps ng DSWD-Nueva Ecija

Kasunod ng anunsiyo ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na lilinisin ang listahan ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay nagsimula na ng assessment ng ang mga frontliners ng ahensiya sa bawat bayan at lungsod dito sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Christer Carandang, Partnerships Officer ng DSWD-NE, aabot sa 3, 194 households out of 84, 500 active members ang initial target nila na maalis sa nasabing listahan.

Paglilinaw ni Officer Carandang, dating ‘deserving’ ang mga matatanggal sa listahan pero dahil sa 4Ps ay umunlad na ang kanilang pamumuhay kaya kinokonsidera na silang nasa level 3 base sa kanilang assessment indicator na ibig sabihin umano kaya nang tumayo sa sarili nilang mga paa nang wala nang suporta ng gobyerno.

Ang mga mababakanteng slots ay muling pupunan ng mga bagong beneficiaries.

Dagdag nito, hindi inaaplayan ang pagiging benepisyaryo ng nasabing programa kundi mayroon silang mga enumerators na nagbabahay-bahay upang alamin kung sino ang mga dapat na masali sa listahan.

Sa kasalukuyan umano ay nasa mahigit P100-Billion ang kabuuang budget ng 4Ps, habang 4.4 million naman ang active beneficiaries sa buong bansa.

Pangunahing benepisyo sa ilalim ng programang ito ang cash grants para sa edukasyon, at kalusugan ng pamilya na natatanggap sa pamamagitan ng kanilang cash cards.

Share:

PreviousHALOS P4-B, PINSALA NI KARDING SA AGRIKULTURA NG NUEVA ECIJA; STATE OF CALAMITY, IDINEKLARA
NextMahigit 409,000 na National ID, nai deliver na ng PSA Nueva Ecija

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

13 Magicians Mula sa Mandaluyong, Nueve Ecija at Laguna, nagpasiklaban sa  Manuela’s Battle of the Magicians

13 Magicians Mula sa Mandaluyong, Nueve Ecija at Laguna, nagpasiklaban sa Manuela’s Battle of the Magicians

June 9, 2017

GRUPO NG MGA MANGGAGAWA SA GOBYERNO, NANAWAGAN SA MINIMUM WAGE NA P33,000

GRUPO NG MGA MANGGAGAWA SA GOBYERNO, NANAWAGAN SA MINIMUM WAGE NA P33,000

November 26, 2022

Pamahalaang Panlalawigan at Department of Agriculture nagsanib pwersa upang maisakatuparan ang Nueva Ecija Agri-Pinoy Trading Center

Pamahalaang Panlalawigan at Department of Agriculture nagsanib pwersa upang maisakatuparan ang Nueva Ecija Agri-Pinoy Trading Center

September 10, 2015

Manila Water naglabas na ng schedule ng water interruptions

Manila Water naglabas na ng schedule ng water interruptions

March 15, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .