BABALA!!! SENSITIBONG BALITA:

HIGIT PHP1.8-MILLION, NASAMSAM NG AWTORIDAD SA 3 LUGAR SA CENTRAL LUZON

Nagresulta sa pagkakakumpiska ng higit Php1.8 million na halaga ng diumano’y marijuana at shabu ang isinagawang anti-drug operations ng mga awtoridad sa Bataan, Bulacan, at Pampanga on November 23-24, 2023.

Base sa report ng Police Regional Office 3, sa lalawigan ng Bulacan, dalawang suspek ang nahulihan ng 8 kilograms ng tuyong dahon at bunga ng marijuana na nagkakahalaga ng PHP 963,600.00.

Kabilang din ang dalawang suspek na nakuhanan naman ng more or less 80 grams ng hinihinalang shabu na halagang Php 554,000.00.

Habang ang mga operatiba ng Balagtas Municipal Police Station ay nakarekober ng 2.03 kilograms ng dried marijuana leaves and fruiting tops na halagang Php 243,600.00.

Kasabay nito, nakadiskubre umano ng Malolos City Drug Enforcement Unit ang 6 kilos ng pinagsususpetsahang marijuana na may street value na Php 720,000.00.

Sa hiwalay na operation ng Balanga City Police Station nasamsam ang 80 grams ng shabu, na may estimated price na Php 554,000.00.

Samantala, nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High-Value Individual (HVI) drug dealer ang anti-illegal drug operation ng Guagua MPS Drug Enforcement Unit sa Betis, Guagua kung saan nakumpiska ang tinatayang 63.69 grams ng shabu na may presyong Php 433,092.00.

Pinuri naman ni Police Regional Director PBGEN JOSE S HIDALGO JR ang matagumpay na operations ng kapulisan sa Central Luzon na kaugnay ng BIDA program of the DILG.