HPG NAGBABALA: Naglabas ng paalala ang Highway Patrol Group (HPG) sa publiko kaugnay ng tumataas na kaso ng panlilinlang sa pagbebenta ng sasakyan sa lalawigan.
Ayon sa HPG, kabilang sa mga karaniwang modus ang benta-bawi, rent-tangay at pag-gamit ng mga pekeng dokumento.
Ipinunto ni Sagun na maraming mamimili ang nabibiktima dahil sa kakulangan ng beripikasyon bago makipagtransaksyon.
HPG NAGBABALA SA MGA MODUS SA BENTAHAN SA NG SASAKYAN; PUBLIKO, PINAPAYUHANG MAG-INGAT
Binigyang-diin din na maaaring humantong sa pagkaka-impound ng sasakyan ang pagbili ng may problema o ilegal na papeles.
Dahil dito, hinihikayat ang publiko na ipasuri muna sa HPG o sa Land Transportation Office ang mga dokumento ng sasakyang balak bilhin.
Samantala, pinaalalahanan ang lahat na maging mapanuri at maingat upang maiwasan ang pagiging biktima ng mga ilegal na gawain at aberya sa kalsada.

