unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

INANG NAOPERAHAN SA GALLBLADDER NANG HINDI ALAM NA BUNTIS, NAGPATOTOO SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS

Posted by philpiccio | Jul 1, 2026 | 0

INANG NAOPERAHAN SA GALLBLADDER NANG HINDI ALAM NA BUNTIS, NAGPATOTOO SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS

Isang makabagbag-damdaming patotoo ng pananampalataya ang ibinahagi ni Sis Dhang Carillo sa programang Count Your Blessings na pinangungunahan ni dating Governor at Congresswoman Czarina “Cherry” D. Umali.

Kuwento ni Sis Dhang, sumailalim siya sa isang operasyon sa gallbladder nang hindi nalalamang tatlong buwan na pala siyang buntis.

Ang masakit pa rito, siyam na pregnancy test at iba’t ibang laboratory examination ang ginawa sa kanya bago ang operasyon, ngunit lahat ito ay nagnegatibo kaya walang kamalay-malay maging ang kanyang mga doktor.

Sa kabila ng banta ng general anesthesia at iba pang medikal na panganib, isang malaking himala na ligtas at walang anumang komplikasyong isinilang ang kanyang anak na si Precious Alexia.

Ayon kay Sis Dhang, ang bawat yugto ng paglaki ng kanyang anak ay patunay ng pagdinig ng Diyos sa kanilang mga panalangin.

Kaya naman hinikayat niya ang publiko na patuloy na magtiwala sa Panginoon, ang natatanging may kontrol sa mga himalang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya at ng tao.

Share:

PreviousCABOG-CABOG INTEGRATED SCHOOL, PASOK SA WORLD’S BEST SCHOOL PRIZES 2026
NextUSA SA 500-PESO BILL, KILALANIN!

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Bayan ng Jaen, wagi sa Women’s Month Celebration Dance Competition 2019

Bayan ng Jaen, wagi sa Women’s Month Celebration Dance Competition 2019

March 26, 2019

1,500 estudyante ng PMTC,  nagsipagtapos

1,500 estudyante ng PMTC, nagsipagtapos

November 23, 2016

Muslim at magsasaka, itinanghal na Dangal ng Kabataang Novo Ecijano 2018

Muslim at magsasaka, itinanghal na Dangal ng Kabataang Novo Ecijano 2018

September 26, 2018

MGA LABI NG ISANG OFW MULA SAUDI ARABIA, NAIUWI AT NAILIBING NA!

MGA LABI NG ISANG OFW MULA SAUDI ARABIA, NAIUWI AT NAILIBING NA!

April 18, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .