Idinaos noong February 16, 2026 ang ika-apat na public consultation ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.
Ginawa ito sa Marilao, Bulacan bilang bahagi ng talakayan sa Anti-Political Dynasty Bill. Pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros ang konsultasyon kasama ang iba’t ibang sektor. Dumalo ang local officials, election officers, legal experts, academics, at youth leaders mula Bulacan at Pampanga.
Suporta ni Castro Anti-Political Dynasty Bill
Hayagang sinuportahan ni Bulacan Vice Governor Alex Castro ang panukalang batas. Hinamon niya ang mga politiko na “lead by example” o magsimula ng pagbabago sa sarili.
Ayon kay Castro, dapat isa lamang ang tumatakbo sa kanilang pamilya. Sinabi niyang personal na commitment ang tunay na reporma sa pulitika. Ibinunyag niyang pinipigilan niya ang kanyang mga kamag-anak na pumasok sa politika. Nilinaw din niyang hindi tatakbo bilang Mayor ang kanyang asawang si Sunshine Garcia.
Dagdag pa niya, hindi niya pinayagan ang kanyang anak na tumakbo sa Sangguniang Kabataan.
Epekto ng Political Dynasty sa mga Mamamayan
Ayon kay Castro, nawawalan ng gana ang “normal citizens” na tumakbo sa public office. Pakiramdam umano nila ay wala silang laban sa malalaking political dynasty. Nagbabala siya na ang paglalagay ng kamag-anak sa posisyon ay nagpapalakas lamang sa bulok na system.
Timeline at Mga Isyung Tinatalakay
Nauna nang nagsagawa ng consultations sa Pasig City, Calamba City, at Bacolod City. Target ng komite na matapos ang committee report bago ang late March 2026.
Kasalukuyang kino-consolidate ang mga “rich points” mula sa regional consultations. Pinagdedebatehan ang saklaw ng prohibition hanggang second o fourth degree of consanguinity. Tinutukoy din ang tamang enforcement at disqualification rules sa mga lalabag.
Samantala, may hiwalay na consultations ang House Committee sa Cagayan de Oro sa February 20.

