Hi mga mars! It’s me, Star Rodriguez-Piccio, para sa magbigay sa inyo ng parenting tips.
Paru-paro. Ganito inilalarawan ng maraming LGBTQ youth ang kanilang sarili—malayang maging kung sino talaga sila.
Ngunit bago marating ang kalayaang ito, marami muna ang dumaan sa panghuhusga, panlalait, at maging sa pisikal na pananakit.
Kaya ang tanong, saan nga ba nagsisimula ang tunay na pagtanggap? Sa labas ba ng tahanan o sa loob mismo ng pamilya?
Ayon sa pag-aaral nina Adam McCormick at Stephen Baldridge, ang pagtanggap ng pamilya ang pinakamahalagang salik sa kalusugan at kapakanan ng LGBTQ youth.
Kapag tinatanggap sila ng kanilang pamilya, mas bumababa ang posibilidad ng depresyon, mas nagiging bukas ang komunikasyon, at mas tumitibay ang samahan sa loob ng tahanan.
Ngunit kapag sila naman ay tinanggihan, maaari silang makaranas ng matinding emosyonal na sakit, diskriminasyon, kahihiyan, at kakulangan ng suporta mula mismo sa mga mahal sa buhay.
Dito mahalaga ang papel ng mga social worker bilang gabay sa edukasyon, pag-uusap, at pagpapalalim ng pag-unawa ng bawat pamilya.
Hindi man pare-pareho ang paniniwala ng bawat isa, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang pagtanggap ay may malaking positibong epekto sa mental health at kabuuang kapakanan ng LGBTQ youth.
Sa huli, ang pagmamahal, paggalang, at pag-unawa ang pundasyon ng isang tahanang ligtas para sa lahat.

