PAALALA SA MGA MAGULANG AT NAKATATANDA KAILANGAN PO NG PATNUBAY NG INYONG MGA ANAK AT MGA BATA DAHIL SENSITIBONG BALITA PO ITO.
MAGNANAKAW NG BATERYA NG TRUCK SA BAYAN NG BONGABON, NAHULIHAN DIN NG BARIL AT ILLEGAL NA DROGA
Arestado sa inilunsad na entrapment operation ang isang magsasaka dahil sa umano’y pagnanakaw sa bayan ng Bongabon.
Kinilala ang 33 years old na suspek na residente ng Barangay Vega ng nasabing bayan.
Base sa report ng Nueva Ecija Provincial Police Office, 2:30 ng hapon noong October 27, 2024 nang nakawin ng suspek ang Motolite battery ng service truck ng Barangay Santor, Bongabon.
Tinangka umano nitong ibenta ang baterya sa kaniyang ka-barangay na natunugan ng mga awtoridad.
3:50 ng hapon ng hapon ng kaparehong araw nang isagawa ang entrapment kung saan nagpanggap na buyer ang isang pulis.
Narekober umano sa suspek ang ninakaw na baterya, kabilang ang isang caliber .38 revolver na kargado ng mga bala, four (4) plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 0.20 grams, at five-hundred-peso bill na ginamit na buy-bust money.

