Babala! Sensitibong Balita:
Nauwi sa pag-aresto sa isang 31-anyos na magsasaka ang kanyang umano’y death threat sa Barangay San Lorenzo, Gapan City, Nueva Ecija.
Mabilis na rumesponde ang Gapan City Police Station matapos makatanggap ng ulat bandang 9:50 ng gabi.
PAGTATALO SA BENTAHAN NG MOTOR, NAUWI SA DEATH THREAT
Batay sa ulat, nagsimula ang insidente sa mainitang pagtatalo sa bentahan ng motorsiklo.
Dahil dito kaya bumunot umano ng baril ang suspek at tinutukan at pinagbantaan ang biktima.
Agad namang humingi ng tulong sa pulisya ang biktima, kaya mabilis na maaresto ang suspek.
Kasunod nito, narekober ng mga awtoridad ang baril at mga bala na ginamit umano sa insidente.
Samantala, dinala sa himpilan ang suspek at mga ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Nahaharap ang suspek sa reklamong Grave Threats at paglabag sa Republic Act 10591 laban sa suspek.

