unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Mahigit 409,000 na National ID, nai deliver na ng PSA Nueva Ecija

Posted by philpiccio | Jul 28, 2022 | 0

Mahigit 409,000 na National ID, nai deliver na ng PSA Nueva Ecija

Umaabot sa 409,361 ang bilang ng mga naibabang National ID ng PSA o Philippine Statistics Authority sa Philpost o Philippine Postal Corporation sa lalawigan ng Nueva Ecija batay sa pinakahuling datos nitong July 2021.

Ayon kay PSA Nueva Ecija Chief Statistical Specialist Elizabeth M. Rayo, natanggap na ng 383,000 na Novo Ecijano ang kanilang Philsys ID habang ang natitira pang 26,361 ay nakatakdang ideliver ng Philpost sa bawat bahay ng registrants sa mga susunod na araw.

Nilinaw ni Rayo na mabusisi ang bawat proseso mula sa pagverify ng mga pangalan hanggang sa pagpiprint ng Central Bank dahil sinisiguro ng mga ito na tama ang lahat ng mga impormasyon na nakalagay sa Philsys ID.

Ito umano ang ilan sa mga rason kung bakit may mga nagparehistro na natatagalan na makatanggap ng kanilang printing ID.

Nagbabala naman ang PSA-Nueva Ecija sa mga pampubliko at pribadong establisyemento na maaaring managot ang sinumang hindi tatanggap bilang valid id ang National ID Card. Aniya, may multang P500,000 ang tatanggi alinsunod sa Section 19 ng Republic Act 11055.

Bukas pa rin ang tanggapan ng PSA sa mga nais magparehistro na may edad limang taong gulang pataas. Sa mga taga-Cabanatuan City ay maaaring pumunta sa NE Pacific Mall at SM Mega Center. Pwede ring makipag-ugnayan ang mga Novo Ecijano sa mga barangay ng bawat bayan at sa PSA-Nueva Ecija Main Branch na matatagpuan sa F Harrison Bldg. Brgy. Dicarma, Maharlika Highway sa nabanggit na lungsod.

Para sa mga edad lima hanggang labing pitong gulang ay magdala ng birth certificate na galing sa PSA o sa munisipyo, Student ID at barangay certicate.

Sa edad labing walo pataas, magdala ng dalawang government issue ID tulad ng Philippine passport, UMID ID na inisyu ng SSS at GSIS, Driver’s License, Voter’s ID, barangay clearance, NBI clearance at iba pa.

Share:

PreviousHalos 3,200 na pamilya, tatanggalin sa listahan ng 4ps ng DSWD-Nueva Ecija
NextMga magbababoy na naapektuhan ng ASF, nagkaroon ng seminar upang makabangon na muli

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PAGSASAMA NA IPINAGLABAN DAHIL SA PANINIWALA SA SALITA NG PANGINOON, TAMPOK SA COUNT YOUR BLESSINGS

PAGSASAMA NA IPINAGLABAN DAHIL SA PANINIWALA SA SALITA NG PANGINOON, TAMPOK SA COUNT YOUR BLESSINGS

November 16, 2022

30 Amateur Boxers mula sa iba’t ibang kategorya, wagi sa bakbakan 2019

30 Amateur Boxers mula sa iba’t ibang kategorya, wagi sa bakbakan 2019

September 5, 2019

Job Hiring

Job Hiring

January 26, 2017

Pagtatayo ng Hydro Power Plant sa Dupinga, Gabaldon, muling pag-aaralan

Pagtatayo ng Hydro Power Plant sa Dupinga, Gabaldon, muling pag-aaralan

December 19, 2016

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .