Humigit-kumulang apatnapung pamilya ang naapektuhan nang biglaang tumama ang buhawi sa Cabanatuan City partikular sa Barangay Barlis noong Biyernes, October 2, 2026.
Ayon kay Kapitan Ramon Garcia, mabilis at hindi inaasahan ang pagdating ng malakas na hangin na sumira sa maraming istruktura.
Dahil sa bilis ng pangyayari, wala umanong nagawa ang mga residente kundi ang iligtas ang kanilang mga sarili mula sa panganib.
Kabilang sa mga nasiraan ng negosyo si Cristine Calanday na nawalan ng gawaan ng motor na tatlong taon nilang pinagsikapan.
Gayunpaman, nananatiling positibo ang kanyang pananaw at hindi siya nawawalan ng pag-asa na muling makakabangon mula sa matinding pagsubok.
Bilang tugon, kaagad na nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa mga nasalantang pamilya.
MGA NASALANTA NG BUHAWI SA CABANATUAN CITY, PINAGKALOOBAN NG TULONG NG KAPITOLYO
Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Aurelio Umali at Vice Governor Gil Raymond Umali, naghatid ang Provincial Social Welfare and Development Office ng iba’t-ibang kinakailangang supply sa mga apektadong pamilya.
Ilan sa mga ipinamahagi ang mga food pack na naglalaman ng bigas, purified water, kape, at delata.
Bukod dito, namahagi rin ng hygiene kit na may lamang diaper, toothbrush, toothpaste, tsinelas, kumot, tuwalya, sabon, shampoo, at menstrual pads.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga naapektuhang residente dahil sa mabilis na pagdating ng mga relief goods sa barangay.
Nagpasalamat din si Kapitan Garcia sa Kapitolyo dahil hindi nila pinabayaan ang mga taong nangangailangan sa oras ng pangangailangan.
Pinakalma ng kapitan ang kanyang mga nasasakupan at pinapaalalahanan sila na maging matatag sa kabila ng nangyaring kalamidad sa lugar.
Payo rin siya niya sa mga residente na huwag mag-alala dahil hindi sila pababayaan ng Pamahalaang Panlalawigan.

