Patuloy ang kampanya ng Nueva Ecija Police laban sa mga ilegal at pekeng na sigarilyo.
Nitong August 11, umabot sa higit ₱62,000 ang halaga ng nakumpiskang mga produktong tabako.
1 KAHON NG PEKENG SIGARILYO, NASABAT SA OPLAN SITA SA STA. ROSA
Sa Santa Rosa, nasabat ang 50 ream ng GIFT cigarettes na nagkakahalaga ng Php51,000.00.
Nadiskubre ang mga ito sa isinasagawang Oplan Sita sa Maharlika Highway sa Barangay Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija.
Hinarang ng mga tauhan ng Santa Rosa Police Station ang isang itim na Honda motorcycle. Doon nakita sa loob ang isang kahon ng mga sigarilyo na dala ng rider.
Dahil hindi nakapagpakita ang suspek ng opisyal na resibo o sales invoice ay inaresto siya.
Samantala, boluntaryong isinuko sa mga pulis ang iba pang sigarilyo sa Gapan at Guimba.
Kabilang dito ang limang ream ng MORE at anim na ream ng Far Star.
Kasama rin ang isang ream ng HP at tatlong ream ng Modern cigarettes.
May kabuuang halagang Php 11,250 ang mga isinukong sigarilyo.
Nasa kustodiya na ng mga kaukulang police station ang lahat ng nakumpiskang produkto.
Ayon kay Police Colonel Ritchie R. Claravall, Provincial Director ng NEPPO, magpapatuloy ang pinaigting na kampanya.
Layunin nitong mapigilan ang pagkalat ng mga peke at ilegal na produktong tabako sa lalawigan.

