unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MGA PUTONG KAKANIN NA SWAK SA PANLASA AT BUDGET SA CABANATUAN

Posted by philpiccio | Jan 30, 2026 | 0

MGA PUTONG KAKANIN NA SWAK SA PANLASA AT BUDGET SA CABANATUAN

Sa nalalapit na Araw ng mga puso, inaasahang mas marami ang bibili ng mga paboritong kakanin bilang handog sa kanilang mga mahal sa buhay.

Matatagpuan sa Barangay ng Kapitan Pepe, sa loob ng Cabanatuan City Public Market, ang Marina’s Kakanin, Putong Aduas na isa sa mga kilalang tindahan ng tradisyunal na kakanin sa lungsod.

Sa presyong nagsisimula sa P50 hanggang P1,300, abot-kaya at swak sa iba’t ibang okasyon ang kanilang mga produkto, mula sa pang-araw-araw na pasalubong hanggang sa mga espesyal na pagdiriwang.

Isa sa kanilang pangunahing inaalok ay ang puto na nakalagay sa bilao, na maaaring i-order depende sa laki at pangangailangan ng customer.

Pinaka-popular naman at ipinagmamalaki ng kanilang tindahan, ang kalamay Aduas.

Bukod dito, marami pang pagpipilian ng iba’t ibang kakaning Pilipino na tunay na abot-kaya. Dahil sa halagang P50 bawat styro, matitikman mo na ang mga paboritong kakanin tulad ng: pichi-pichi, kutsinta, tibok-tibok, kalamay-ube, maja, sapin-sapin, at marami pang iba.

Ayon sa Marina’s Store, dekada na sa industriya ng paggawa at pagtitinda ng kakanin ang Marina’s Kakanin, ang Putong Aduas.

Isa umano itong pamanang negosyo na nagsimula pa sa kanilang mga ninuno at ipinasa sa mga anak at apo. Sa loob ng mahabang panahon, ang paggawa ng kakanin ang nagsilbing, kanilang pangunahing kabuhayan o bread and butter.

Sa kulturang Pilipino, mahalagang bahagi ng mga tradisyon, handaan, at okasyon ang paghahain ng kakanin at patuloy itong pinananatili ng Marina’s Kakanin sa pamamagitan ng lasa at kalidad na kinalakihan na ng maraming henerasyon.

Bukas ang Marina’s Kakanin araw-araw, at tumatanggap ng walk-in customers pati na rin ng delivery orders, kaya’t mas madali para sa mga customer na matikman ang kanilang masasarap at tradisyunal na kakanin.

Share:

PreviousDOBOL P’s JOKE-JOKAN: ESTUDYANTE EDITION EPISODE 10
NextSINADYA UMANONG PANUNOG SA MGA JEEPNEY SA BULAON, SAN FERNANDO, INIIMBESTIGAHAN

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Batch 72-73 ng Provincial Manpower Training Center, nagsipagtapos na

Batch 72-73 ng Provincial Manpower Training Center, nagsipagtapos na

November 21, 2018

Tatlong barangay sa bayan ng Cuyapo, binigyan ng relief goods ng Pamahalaang Panlalawigan

Tatlong barangay sa bayan ng Cuyapo, binigyan ng relief goods ng Pamahalaang Panlalawigan

July 25, 2018

PMTC, TULOY SA PAGBIBIGAY NG LIBRENG TRAINING SA MGA NOVO ECIJANO NGAYONG PASUKAN

PMTC, TULOY SA PAGBIBIGAY NG LIBRENG TRAINING SA MGA NOVO ECIJANO NGAYONG PASUKAN

July 8, 2022

Santacruzan, muling binuhay sa Brgy. Sta Cruz, Zaragoza

Santacruzan, muling binuhay sa Brgy. Sta Cruz, Zaragoza

May 11, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .