unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MULA PROMISSORY NOTE HANGGANG BOARD PASSER: ANAK NG SOLO PARENT SA NUEVA ECIJA, TINUPAD ANG PANGARAP NA MAGING GURO

Posted by philpiccio | May 20, 2026 | 0

MULA PROMISSORY NOTE HANGGANG BOARD PASSER: ANAK NG SOLO PARENT SA NUEVA ECIJA, TINUPAD ANG PANGARAP NA MAGING GURO

Dating nakikipila para makahingi ng promissory note upang payagang makapag-exam, ngayon ay isa nang lisensyadong guro ang 23-anyos na si Luz Clarita Mararac, mula Cabanatuan City matapos mapagtagumpayan ang kahirapan, pagkawala ng ama, at pagsabay sa trabaho at pagrereview.

Ibinahagi ni Mararac na noong senior high school siya ay dumaan sa matinding problemang pinansyal ang kanilang pamilya matapos bawian ng buhay ang kanyang ama.

Dahil dito, naranasan niyang ma-late sa examinations habang inaasikaso ang guarantee letter at promissory note para lamang makapagpatuloy sa pag-aaral.

Ngunit nagbago umano ang kanilang sitwasyon nang mabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral sa Eduardo L. Joson Memorial College (ELJMC) bilang iskolar ng bayan.

Ayon kay Mararac, malaking ginhawa para sa kanilang pamilya ang libreng tuition, miscellaneous fees, at allowance na ipinagkakaloob ng paaralan at pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija.

Sa kabila ng hirap sa buhay, nagtapos siyang valedictorian at cum laude sa kanilang batch. Hindi rin naging madali ang paghahanda niya para sa Licensure Examination for Teachers dahil kasabay nito ang pagtatrabaho niya bilang medical representative at financial advisor.

Kuwento niya, madalas siyang umuuwi ng gabi mula sa trabaho ngunit patuloy pa ring nagrereview upang matupad ang pangarap na magkaroon ng lisensya bilang guro.

Ibinahagi naman ni Jennifer Mararac, ina ni Luz Clarita, ang mga sakripisyong kanilang pinagdaanan bilang pamilya.

Ayon sa kanya, nagtinda-tinda sila habang ang kanyang mga anak naman ay rumaraket sa pagbebenta ng libro, tsokolate, at iba pang pagkakakitaan para lamang maitawid ang kanilang pag-aaral.

Sa huli, inialay ni Luz Clarita ang kanyang tagumpay sa kanyang ina at sa lahat ng taong naniwala sa kanyang kakayahan.

Umaasa rin siyang mas marami pang kabataang Novo Ecijano ang matulungan ng scholarship programs upang maabot din ang kanilang mga pangarap.

Share:

PreviousNORTH KOREAN FOOTBALLERS, BALIK SOUTH NA MATAPOS ANG WALONG TAON
NextVICE GOV. LEMON UMALI, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG TULONG PINANSYAL SA MGA NOVO ECIJANO

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

TV48 News Update 12/12/2016

TV48 News Update 12/12/2016

December 12, 2016

Sabayang pagsasagawa ng Earthquake Drill, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan bilang paghahanda sa pagdating ng “The Big One”

Sabayang pagsasagawa ng Earthquake Drill, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan bilang paghahanda sa pagdating ng “The Big One”

August 13, 2015

Mga programa ni Governor Umali, suportado ng mga kaparian ng Nueva Ecija

Mga programa ni Governor Umali, suportado ng mga kaparian ng Nueva Ecija

October 21, 2019

MASAYANG UMAGA, SUMALUBONG SA MGA NOVO ECIJANO DAHIL SA AYUDANG BIGAS NG KAPITOLYO

MASAYANG UMAGA, SUMALUBONG SA MGA NOVO ECIJANO DAHIL SA AYUDANG BIGAS NG KAPITOLYO

March 13, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .