Sa halagang P85, maaari nang magkaroon ng busog at sulit na pagkain ang mga mamimili sa Lechon Station sa Freedom Park, Cabanatuan City.

Nag-aalok ang maliit na negosyo ng iba’t ibang putahe na pasok sa budget ng mga estudyante at manggagawa.

Kabilang sa kanilang mga patok na pagkain ang lechon with rice at crispy sisig with rice na parehong P85. Mayroon ding crispy enoki na nagkakahalaga ng P39 hanggang P59, habang ang sizzling meals ay mula P75 hanggang P89.

Para naman sa mga nais ng mas maraming lechon, mayroong 100 grams sa P120, 150 grams sa P180, 250 grams sa P260, 500 grams sa P500, at isang kilo sa P1,000.

Ngunit higit sa mga pagkaing iniaalok nito, kapansin-pansin din ang kwento sa likod ng kanilang puwesto sa Freedom Park. Isang taon na ngayong October ang Lechon Station mula nang mabigyan sila ng libreng puwesto sa lugar.

Ayon kay Tagudin, malaking pasasalamat nila kay Governor Aurelio “Oyie” M. Umali dahil napabilang sila sa mga maliliit na negosyanteng nabigyan ng pagkakataong makapuwesto sa Freedom Park nang libre at walang binabayaran.

Bukas ang Lechon Station mula Lunes hanggang Linggo, alas-1:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi. Sa pamamagitan ng abot-kayang presyo at iba’t ibang pagpipilian, patuloy nitong pinagsisilbihan ang mga mamimiling naghahanap ng sulit na pagkain sa loob ng Freedom Park.

Para sa Lechon Station, hindi lamang pagkain ang kanilang inihahain, kundi isang maliit na negosyo na patuloy na nabibigyan ng pagkakataong lumago.