unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

NEUST, tinuruan ng makabagong teknolohiya ang mga magsasaka sa Indonesia

Posted by philpiccio | Jun 29, 2022 | 0

NEUST, tinuruan ng makabagong teknolohiya ang mga magsasaka sa Indonesia

Alinsunod sa Memorandum of Understanding na nilagdaan noong taong 2020 ng Nueva Ecija University of Science and Technology at ng Universitas PGRI Madiun (UNIPMA), Indonesia ay magkatuwang na tinulungan ng kanilang mga guro at estudyante ang Mulyosejati Farmers Group sa Puntukdoro, Magetan, Indonesia.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa sektor ng kanilang agrikultura at paghahayupan kabilang ang pag-iwas at paggamot sa sakit na foot and mouth disease ng kanilang mga baka.

Para sa unang hakbang ay nagsagawa ng tatlong araw na virtual training noong July 11, 2022 kung saan itinuro ang teknolohiya ng produksyon o paggawa ng biofertilizers, biopesticide, at probiotics.

Nagsilbing speakers sina Dean Damaso, Dr. Jomar M. Urbano at Mr. Jermil R. Angeles kasama si Prof. Pujiati ng UNIPMA, habang si Dr. Angelica O. Cortez, Dean of NEUST College of Education naman ang project leader of research, at sina Mr. Alfredo M. Esteban Jr. ng NEUST at Miss Agita R. Nurhikmawati, Director for Cooperation and Public Relations Bureau of UNIPMA, ang convenors.

Ayon kay Engr. Feliciana P. Jacoba, Ed.D., NEUST President, ang ugnayang ito ay bahagi ng kanilang internationalization programs upang pagtibayan ang commitment ng unibersidad na palawakin ang oportunidad na mapalago at mapa-unlad ang kanilang mga guro at mga mag-aaral.

Dagdag ni Dr. Rachael R. Moralde, Vice President for Research, Extension, and Training, na bilang isang institusyon ng mas mataas na pag-aaral, ang NEUST ay agresibong nakikibahagi sa pagtataguyod ng mga programa na makatutulong hindi lamang sa ating bansa kundi sa maging sa buong mundo upang linangin ang kakayahan ng mga manggagawa para makilahok sa pandaigdigang ekonomiya.

Share:

PreviousMAHIGIT 400 PAARALAN SA CENTRAL LUZON, IPINATUPAD ANG BLENDED LEARNING DAHIL SA INIT NG PANAHON
NextHPG, pinababantayan ang mga walang plaka dahil sa umano’y pandurukot ng puting van

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Pamahalaang Panlalawigan, may maagang handog para sa mga mag aaral ngayong Brigada Eskwela

Pamahalaang Panlalawigan, may maagang handog para sa mga mag aaral ngayong Brigada Eskwela

May 31, 2018

LIBRE, DE-KALIDAD NA SUPER HEALTH CENTER, ITINATAYO NA SA 10 BAYAN NG NUEVA ECIJA

LIBRE, DE-KALIDAD NA SUPER HEALTH CENTER, ITINATAYO NA SA 10 BAYAN NG NUEVA ECIJA

July 6, 2023

2016 National Budget, posibleng mabago dahil sa pananalasa ng Bagyong Lando

2016 National Budget, posibleng mabago dahil sa pananalasa ng Bagyong Lando

November 6, 2015

BALITANG UNANG SIGAW AUGUST 25, 2023

BALITANG UNANG SIGAW AUGUST 25, 2023

August 25, 2023

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .