Tinatayang P85,000 ang halaga ng nasamsamna shabu sa Bataan sa isang buy-bust operation.
Kaugnay nito, tatlong hinihinalang drug personality ang naaresto sa Barangay San Jose, Balanga City.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-5:25 ng hapon noong Setyembre 10, 2026.
Kinilala ang mga naarestong suspek bilang sina alyas Binoy, 33 anyos, alyas Dabu, 27 anyos, at alyas Ram, 61 anyos.
12.5 GRAMO NG HINIHINALANG SHABU SA BATAAN, NAKUMPISKA
Nakuha sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu. Tinatayang nasa 12.5 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga.
Bukod dito, nakumpiska rin ang mga drug paraphernalia at buy-bust money.
Pinangunahan ng PDEA Bataan ang operasyon, kasama ang Seaport Interdiction Unit at Balanga City Police Station.
Samantala, pansamantalang ikinulong ang mga suspek sa PDEA-3 jail facility sa San Fernando, Pampanga.
Isinailalim naman sa forensic examination at confirmatory testing ang nakumpiskang substance.
Kasunod nito, inihanda na ang kaso laban sa tatlong suspek. Kaugnay ito ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

