Ang late-night snack na may tamang nutrisyon ay nakakatulong sa blood sugar level kahit ikaw ay tulog.
Marami sa atin ang nakararamdam ng gutom bago matulog dahil sa puyat, pagod, o matagal pa bago ang susunod na oras ng pagkain.
Ang pagkain sa gabi ay hindi naman masama, basta’t alam mo kung ano ang tamang kakainin para sa iyong kalusugan.
Ayon sa artikulong “Dietitians Reveal the Late-Night Snack to Improve Blood Sugar Levels” na inilathala sa website ng EatingWell na.
Bakit may late-night snack?
Ang pangunahing dahilan kung bakit tayo naghahanap ng late-night snack ay upang maiwasan ang “midnight hunger pangs”
Upang maiwasan ang biglaang pagbaba ng glucose sa madaling-araw para sa mas maayos na blood sugar level.
Dagdag pa ni Patricia Kolesa isang registered registered dietitian and nutrition educator, na ang pagkain ng maliit na portion ng masustansyang pagkain ay nakakatulong sa pag-relax ng katawan at pag-regulate ng insulin.
Ang hapunan ay nagbibigay-enerhiya sa katawan para sa metabolic functions at pagpapanatili ng timbang habang nagpapahinga.
Ano-ano ang pwedeng kaining late snacks?
Hindi lahat ng pagkain sa refrigerator ay mainam kainin bago humiga. Narito ang ilang matatalinong opsyon para sa iyong late-night snack na makakatulong sa iyong metabolismo:
Greek Yogurt at Berries: Mayaman sa protina, tinitiyak ng kombinasyong ito na ang blood sugar level ay hindi nagkakaroon ng spikes.
Saging: Ang saging ay may magnesium na nakakatulong sa pag-relax ng muscles para sa mas mahimbing na tulog.
Oatmeal: Mayaman sa fiber at madaling tunawin, kaya hindi ito mabigat sa tiyan bago matulog.
* Hard-boiled Egg: Isang mabilis at murang source ng protina na mainam na meryenda sa gabi at mababa ang asukal.
Mga dapat iwasan
Upang hindi masira ang iyong tulog at maiwasan ang acid reflux, narito ang mga pagkaing dapat iwasan bilang late-night snack:
Maaalat at Maanghang: Maaari itong magdulot ng heartburn at indigestion na gigising sa iyo sa madaling araw.
Caffeine at Matatamis: Ang mga “sugar rushes” ay magbibigay sa iyo ng sobrang enerhiya na magpapahirap sa iyong pagtulog.
Iwasan ang mabibigat na pagkain at kanin bago matulog dahil mahirap itong tunawin at makakaapekto sa blood sugar..
Sa huli, ang pakikinig sa katawan ay susi sa kalusugan. Ang late-night snack ay hindi dapat ikatakot kung ito ay masustansya.
Sa tamang disiplina at pagpili, masisiguro mong ang iyong gabi ay nakakabusog, nakakapagpahimbing ng tulog, at nakakabuti sa iyong kabuuang kapakanan

