Sa gitna ng impeachment at deliberasyon sa pambansang badyet, inihain ni Senador Bam Aquino ang PACE Act.
PACE ACT, TUTULONG SA MGA PINOY TALENT SA IBANG BANSA
Layunin nitong palakasin ang suporta sa mga Pilipinong may talento na nagtatrabaho o nagtatanghal sa ibang bansa.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang artists, performers, filmmakers, musicians, designers at digital creators.
Sa ilalim ng panukala, bubuo ng ahensyang nakapailalim sa Department of Trade and Industry.
Magbibigay ito ng institusyonal, legal at operational na suporta sa mga Pilipinong may talento sa abroad.
Partikular nitong tutugunan ang mga problema sa kontrata, mapanlinlang na promoters at iba pang usaping kinakaharap nila.
Bukod dito, layon ding mapabilis ang proseso ng visa para sa international tours, kompetisyon at showcase.
Gagamitin din ang diplomatic offices at trade attachés para makatulong sa mga aplikante.
PACE ACT, INSPIRASYON ANG KARANASAN NG SB19
Samantala, sinabi ni Aquino na nakipagtulungan sa kanya ang mga miyembro ng SB19 na sina Pablo at Josh.
Naglatag umano ang mga ito ng research at posibleng hakbang para suportahan ang Filipino artists abroad.
Ayon kay Aquino, maaaring makatulong ang panukala sa pagpapalakas ng creative industry sa pandaigdigang entablado.
Kasabay nito, sinabi ng senador na mabigat ang kanilang tungkulin dahil sabay-sabay ang regular legislation, impeachment at budget deliberations.
Gayunman, umaasa siyang matatapos ang impeachment proceedings bago matapos ang taon.

