Pumanaw ang isang pari sa Ecuador matapos mabagsakan ng malaking wooden crucifix habang nagmimisa sa lungsod ng Guayaquil.

Nawalan ng buhay si Father Patricio Sanchez nang maipit siya sa altar habang ginaganap ang Misa sa simbahan.

Dahil sa lakas ng pagbagsak, agad na humingi ng tulong ang mga parishioners bago naputol ang livestream broadcast.

Mabilis na nag-viral sa social media ang video ng trahedya na nangyari sa Our Lady of Perpetual Help church.

Kaya naman, labis na nagluksa ang buong komunidad dahil sa biglaang pagpanaw ng pari.

Samantala, nagpaabot ng statement of condolence ang Archdiocese of Guayaquil para sa pamilya at kaibigan ng pari.

Nagpahayag din ang pamunuan ng suporta at pagmamahal sa lahat ng mga naapektuhan sa nangyaring tragic incident.

Sa kabila nito, patuloy pa ring inaalala ng mga parishioners ang magandang serbisyo at dedikasyon ng naturang pari.