unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MGA PASYENTENG MAY BUKOL SA NUEVA ECIJA, NABIGYAN NG LIBRENG OPERASYON SA SURGICAL CARAVAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Posted by philpiccio | Mar 17, 2026 | 0

MGA PASYENTENG MAY BUKOL SA NUEVA ECIJA, NABIGYAN NG LIBRENG OPERASYON SA SURGICAL CARAVAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Isa lamang si Marcos Ponce, residente ng Barangay Ilog Baliuag, Quezon, ang nakatanggap ng libreng operasyon sa isinagawang Surgical Caravan sa Sto. Domingo District Hospital.

Ayon kay Ponce, may katagalan na ang bukol na tumubo sa kanyang batok. At, dahil sa kakulangan sa pinansyal kung kaya hindi nya ito naipasuri, kaya malaki ang kanyang ipinagpapasalamat sa programa ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio “Oyie” M. Umali.

Ganoon din si Tatay Domingo Salvador, na mula naman sa San Miguel, Quezon, at isa rin sa mga mapalad na Novo Ecijano dahil nakapagpaopera ito ng libre. Aniya, halos sampung taon na ang bukol sa kanyang sentido. Bagama’t hindi ito sumasakit, pero aniya ay naroon pa rin ang kanyang pangamba.

Layunin ng programa na matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng agarang operasyon ngunit walang sapat na kakayahang pinansyal.

PASYENTENG MAY BUKOL SA NUEVA ECIJA, NABIGYAN NG LIBRENG OPERASYON

Ayon sa mga medical team, mahalaga ang ganitong programa upang mabigyan ng agarang lunas ang mga pasyenteng matagal nang nagdurusa sa kanilang karamdaman.

Sinigurado rin ng mga doktor ang maingat na monitoring ng kondisyon ng pasyente bago at pagkatapos ng operasyon.

Isinagawa ang medical mission sa pangunguna ng Provincial Health Office bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

MGA PASYENTENG MAY BUKOL SA NUEVA ECIJA, NABIGYAN NG LIBRENG OPERASYON SA SURGICAL CARAVAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Sa pamamagitan ng libreng operasyon, nabigyan ng bagong pag-asa at pagkakataong gumaling ang mga pasyenteng matagal nang naghihintay ng gamutan.

Share:

PreviousNAKALAWIT NA KABLE, MUNTIK IKAMATAY NG RIDER AT PASAHERO SA MAYNILA
Next15 COMPOSTING FACILITY, IPINAMAHAGI SA NUEVA ECIJA PARA BAWAS BASURA, DAGDAG-KITA SA MGA MAGSASAKA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PINAKA-BAGONG EXHIBIT NG RICE SCIENCE MUSEUM SA SCIENCE CITY OF MUÑOZ, BUKAS NA SA PUBLIKO; TEMANG “BOUNTIFUL HARVEST O MASAGANANG ANI”, ITINAMPOK

PINAKA-BAGONG EXHIBIT NG RICE SCIENCE MUSEUM SA SCIENCE CITY OF MUÑOZ, BUKAS NA SA PUBLIKO; TEMANG “BOUNTIFUL HARVEST O MASAGANANG ANI”, ITINAMPOK

February 25, 2015

LALAKI, NABARIL NG BAYAW SA PENARANDA; MAGSASAKA, TINAKASAN ANG CHECKPOINT SA SAN JOSE CITY, NAKUHANAN NG BARIL

LALAKI, NABARIL NG BAYAW SA PENARANDA; MAGSASAKA, TINAKASAN ANG CHECKPOINT SA SAN JOSE CITY, NAKUHANAN NG BARIL

January 17, 2025

Cabanatuan City VM Anthony Umali, tinututulan ang balak na pangungutang ng City Government

Cabanatuan City VM Anthony Umali, tinututulan ang balak na pangungutang ng City Government

February 2, 2018

P185 milyon pananim, nasalanta ng baha sa Nueva Ecija

P185 milyon pananim, nasalanta ng baha sa Nueva Ecija

July 26, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .