Nagtapos ang Asian Games campaign ng Pilipinas matapos makakuha ang mga atleta ng kabuuang 29 medals sa Japan.
Dahil sa apat na gold, siyam na silver, at 16 na bronze, pang-17 ang bansa sa medal tally.
Ito ang itinuturing na pinakamaraming medals ng bansa sa nakalipas na anim na dekada o simula noong 1966.
Mga Gold Medalists sa Asian Games 2026
Bumida sa Asian Games si Carlos Yulo matapos manalo ng dalawang gold medals sa gymnastics.
Habang naka-ginto rin si EJ Obiena nang maipagtanggol niya ang kanyang titulo at mag-record sa men’s pole vault.
Naghatid din si Jeus Yape ng ikaapat na gold sa kauna-unahang virtual taekwondo event ng tournament.
Iba Pang Medals at Overall Results
Siyam na silver medals naman ang nakuha sa iba pang sports tulad ng boxing, basketball, at taekwondo.
Ang taekwondo ang nag-uwi ng pinakamaraming parangal para sa buong Philippine delegation.
Samantala, muling nag-number one ang China sa overall standings matapos silang makakuha ng 169 gold medals.

