Naglabas ng opisyal na sulat si King Charles para linawin ang status nina Prince Harry at Meghan.

Ipinadala ng hari ang sulat sa mga matataas na opisyal ng gobyerno at militar sa United Kingdom.

Nakapaloob sa sulat na kinukumpirma ng palasyo na mananatiling private citizens ang mag-asawa habang sila’y nasa bansa.

Sinabi sa pahayag na walang anumang magbabago sa posisyon nina Prince Harry at Meghan, kaya mayroon silang kalayaan sa kanilang sariling negosyo at pera.

Gayundin ang kanilang mga charitable works ay ituturing na lamang bilang kanilang personal na gawain.

Kamakailan lang ay muling dumating ang pamilya sa Britain matapos ang anim na taon sa Amerika.

Matatandaang nagdesisyon silang umalis noong taong 2020 para magsimula ng bagong buhay sa ibang bansa.

Pinaalalahanan ng palasyo ang publiko na ituturing bilang mga ordinaryong mamamayan ang mag-asawa, kaya hindi na sila hahawak ng mga tungkulin para sa kaharian.