Isang makasaysayang tagumpay ang idineklara ng World Health Organization (WHO) matapos nitong kumpirmahin ang pagpuksa sa rabies sa Bhutan.
Ang Bhutan ang pinakaunang bansa sa buong WHO South-East Asia Region na nakakuha ng pambihirang milestone na ito.
Napanatili kasi ng bansa ang zero human deaths mula sa kagat ng aso simula pa noong June 2023.
Tagumpay Laban sa Rabies sa Bhutan Gamit ang One Health
Naging pangunahing susi sa tagumpay ng bansa ang pagpapatupad ng kanilang tinatawag na One Health approach.
Sa pamamagitan ng estratehiyang ito, pinag-isa ng pamahalaan ang pangangalaga sa kalusugan ng tao, mga hayop, at ng kapaligiran.
Dahil dito, pinangunahan ng Ministry of Health at Ministry of Agriculture and Livestock ang malawakang aksyon sa buong bansa.
Nagtulong-tulong din ang De-suung volunteers o “Guardians of Peace” at ang mga lokal na komunidad para sa programa.
Bakit Na-eliminate ang Rabies sa Bhutan Ngayong Taon?
Naging all-out ang bansa sa pamamagitan ng mass dog vaccination at dog population management sa ilalim ng Royal initiative ng kanilang Hari.
Tiniyak din ng pamahalaan ang libreng post-exposure prophylaxis para sa lahat ng nakagatan sa 20 Dzongkhags o districts.
Bukod pa rito, pinatibay nila ang integrated surveillance sa pamamagitan ng Nationwide Accelerated Dog Population Management and Rabies Control Programme.
Pagsusuri ng WHO at WOAH sa Pasilidad ng Bansa
Bago ibinigay ang opisyal na validation, nagsagawa muna ang WHO at World Organisation for Animal Health ng desk review at field mission.
Binisita ng mga eksperto ang Bhutan noong August 17 hanggang 22, 2026 upang siyasatin ang kanilang mga pasilidad at record.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang mga libreng bakuna at ang pakikipag-ugnayan ng Bhutan sa mga karatig-estado ng India upang harangan ang muling pagpasok ng rabies.

