Pinalakas ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang seguridad sa mga paaralan sa lalawigan.
Hakbang ito kasunod ng naganap na insidente sa isang paaralan sa Tacloban City.
Kaya inatasan ang mga pulis na dagdagan ang kanilang presensiya sa loob at paligid ng mga paaralan.
Kasama sa direktiba ang regular na pagpapatrolya sa mga school zone sa buong Nueva Ecija.
SEGURIDAD SA MGA PAARALAN SA NUEVA ECIJA, PINAIGTING SA PAMAMAGITAN NG POLICE VISIBILITY
Paiigtingin din ang koordinasyon ng pulisya sa mga opisyal ng bawat paaralan.
Layunin nitong maagapan ang anumang posibleng banta laban sa mga estudyante at mga guro.
Ayon kay PCOL Ritchie R. Claravall, nananatiling pangunahing prayoridad ng pulisya ang kaligtasan ng lahat.
Kaya magpapatuloy ang NEPPO sa pakikipagtulungan sa mga paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

