Pagtaas ng Type 2 Diabetes at Lumalawak na Interes sa GLP-1 Medications
Patuloy na tumataas ang kaso ng Type 2 diabetes sa buong mundo ayon sa pinakahuling datos mula sa World Health Organization.
Ang Type 2 diabetes ay isang chronic disease kung saan mataas ang blood sugar dahil hindi nagagamit ng katawan ng maayos ang insulin, o hindi nakakagawa ng sapat na insulin. Nauugnay ang diabetes sa edad, timbang, at mga lifestyle (tulad ng hindi sapat na ehersisyo at hindi balanseng pagkain). kung saan ito ay maaring magdulot ng problema sa puso, mga mata, at bato,kung napabayaan.
Samantala, iniulat ng Department of Health ang patuloy na pagdami ng diabetes cases sa iba’t ibang rehiyon. Dagdag pa rito, ang Type 2 diabetes ang bumubuo sa malaking porsyento ng mga kasong ito sa bansa ayon sa kanilang talaan.
Kasabay nito, ang pag usbong ng interes ng publiko sa GLP-1 medications na may malaking kaugnayan sa Type 2 diabetes management lalo na sa weight control.
Ito ay base sa mga pag-aaral na inilathala ng BMJ Public Health tungkol sa public perception, paggamit, at epekto ng GLP-1.
Ano nga ba ang GLP-1?
Ang mga gamot na ito ay ginagamit sa blood glucose control ng Type 2 diabetes patients sa iba’t ibang settings. Ayon sa U.S. National Center for Biotechnology Information, epektibo ang GLP-1 receptor agonists sa clinical trials para sa diabetes management.
Ang ilang halimbawa nito ay:
- •Exenatide (Byetta, Bydureon)
- •Liraglutide (Victoza, Saxenda)
- •Dulaglutide (Trulicity)
- •Semaglutide (Ozempic, Rybelsus, Wegovy)
- •Lixisenatide (Adlyxin)
Pinapabagal ng GLP-1 medications ang digestion process sa katawan ng pasyente upang mapabuti ang glucose regulation at metabolic control.
Dahil dito, mas tumatagal ang pakiramdam ng pagka-busog ng pasyente, kaya ito nakatutulong sa appetite regulation at portion control. Ang epekto sa appetite ay maaaring magresulta sa pagbaba ng food intake araw-araw na mahalagang ma-monitor para sa weight management.
Ito ang dahilan kung bakit may weight loss effect ang gamot sa pasyenteng may type 2 diabetes.
GLP-1 Medications sa Pilipinas
Sa Pilipinas, ang GLP-1 drugs tulad ng Ozempic ay aprubado para sa diabetes treatment ng Philippine Food and Drug Administration(FDA). Ito ay prescription only drug at hindi ito dapat ginagamit for self medication. Ayon sa kasalukuyang regulasyon ng FDA dapat ay prescribed by a licensed doctor at dispensed by a registered pharmacy ang gamot. Ang paggamit ng unapproved o imported na GLP-1 ay lubhang hindi ligtas at hindi pinapayagan, dahil sa delikadong side effects at komplilasyon na maaaring idulot nito.
Dagdag pa rito, ayon sa FDA-approved product information ng semaglutide. Ito ay dapat i-inject nang isang beses kada linggo at ilagay lamang sa taba. (karaniwang sa tiyan, hita, o braso.) Hindi ito dapat i-inject sa ugat o kalamnan, dahil maaaring magdulot ito ng panganib. Binigyan diin din na hindi ito maaring gawing subtitute sa insulin at hindi maaring gamitin ng mga may Type 1 Diabetes. kanila ring Inirekomenda ang pagsabay ng gamot sa balanced diet at tamang nutrisyon bilang bahagi ng komprehensibong diabetes care plan.
Bahagi lamang ito ng pangmatagalang o holistic health management plan para sa pasyente sa gabay ng mga doctor.
Sources:
World Health Organization (WHO). Diabetes: Facts, Symptoms, and Global Health Impact.
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/diabetes
International Diabetes Federation (IDF). Diabetes in the Philippines: Statistics and Health Trends.
https://idf.org/our-network/regions-and-members/western-pacific/members/the-philippines/
Journal of Cosmetic Dermatology (2026). Rising Public Interest in Weight Loss Medications and Their Health Effects.
https://doi.org/10.1111/jocd.70670
Cleveland Clinic. Diabetes Management, Weight Loss, and Blood Sugar Control.
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/7104-diabetes
National Library of Medicine – PubMed. Diabetes Research and Weight Loss Medication Studies.
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/

