Pasok na ang Pilipinas sa medal board ng Asian Games 2026 matapos makakuha ng kauna-unahang medalya ang bansa.

Nasungkit ng Philippine Women’s Soft Tennis Team ang bronze medal sa semifinals laban sa Japan.

Dahil sa tagumpay na ito, pumasok na ang Pilipinas sa ika-22 na pwesto sa overall standings ng kompetisyon.

Pinangunahan nina Bien Zoleta, Princess Catindig, Christy Sañosa, Shyryn Salazar, at Hilary Paas ang makasaysayang laban sa semifinals laban sa Japan.

Itinuturing na makasaysayang tagumpay para sa soft tennis sa bansa ang pagpasok ng koponan sa podium finish.

Patuloy namang umaasa ang Philippine Sports Commission na madagdagan pa ang medalya ng bansa sa mga susunod na laro.

Samantala, nananatiling nangunguna ang China sa pangkalahatang medal tally habang sumusunod naman ang Japan at South Korea.