Napuruhan ang Zambales robbery gang matapos ang tatlong magkakahiwalay na operasyon ng pulisya noong Setyembre 26, 2026.
Sa San Antonio, dalawang search warrant ang ipinatupad ng mga awtoridad.
Anim na baril, isang hand grenade, at sari-saring bala ang nasamsam sa operasyon.
ZAMBALES ROBBERY GANG, NASABAT SA 3 MAGKAKASUNOD NA OPERASYON
Samantala, isang buy-bust operation naman ang inilatag sa Cabangan.
Isang suspek ang timbog sa naturang operasyon.
Nakuha sa kanya ang isang kalibre .38 na revolver at hinihinalang ilegal na droga.
Kabilang dito ang 1.61 gramo ng hinihinalang shabu at 30.1 gramo ng hinihinalang marijuana.
Sa kabuuan, pitong baril ang nalambat ng mga awtoridad.
Kasama rin sa nakumpiska ang isang hand grenade at mga bala.
Ayon sa regional police reports, iniuugnay ang mga suspek sa serye ng cellphone snatching at armed robbery.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang iba pang posibleng sangkot.

