unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

2026 FIELDS MEDAL: DALAWANG TSINO, NANGUNA SA INT’L CONGRESS OF MATHEMATICIANS

Posted by philpiccio | Jul 27, 2026 | 0

2026 FIELDS MEDAL: DALAWANG TSINO, NANGUNA SA INT’L CONGRESS OF MATHEMATICIANS

Gumawa ng kasaysayan sa ginanap na 2026 Fields Medal ang dalawang mathematician mula sa China.

Tinanggap nina Deng Yu at Wang Hong ang parangal sa Philadelphia.

Ginanap ang pagbibigay ng award sa opening ceremony ng International Congress of Mathematicians.

Dahil sa tagumpay na ito, sila ang naging kauna-unahang Chinese nationals na nakasungkit ng parangal.

Kasabay nilang pinarangalan sina John Pardon mula sa United States at Jacob Tsimerman na galing Canada.

Kasaysayan sa 2026 Fields Medal para sa China

Ang 2026 Fields Medal ay ang pinakamataas na award sa larangan ng matematika sa buong mundo.

Binibigay ito ng International Mathematical Union tuwing apat na taon sa mga mahuhusay na mathematician.

Pangunahing kwalipikasyon sa award na ito na ang nanalo ay mas bata sa apatnapung taong gulang.

Dahil sa taas ng lebel nito, tinatawag din ito ng marami bilang “Nobel Prize” ng matematika.

Mga Nakamit na Tagumpay para sa 2026 Fields Medal

Naging susi sa tagumpay ni Deng Yu ang kanyang ginawang breakthrough sa Hilbert’s sixth problem.

Nagawa niya ang malaking tagumpay na ito kasama sina Ma Xiao at Zaher Hani.

Nagbigay sila ng rigorous mathematical connection sa pagitan ng microscopic particle dynamics at macroscopic fluid equations.

Samantala, matagumpay na nasagutan ni Wang Hong at Joshua Zahl ang sikat na three-dimensional Kakeya conjecture.

Gumamit ang kanilang masusing pag-aaral ng malalim na analyses at ng isang makabagong geometric theory.

Dahil sa kanilang ipinakitang husay, nakuha nila ang 2026 Fields Medal ngayong taon.

Parehong nagsimula ang dalawang propesor ng kanilang pag-aaral sa Peking University nang mag-enroll sila noong 2007.

Nakuha ni Wang ang kaniyang bachelor’s degree noong 2011 bago siya nagtapos ng doctorate degree sa MIT.

Kumuha naman si Deng ng kanyang undergraduate studies sa MIT at nagtapos ng doctorate degree sa Princeton.

Share:

PreviousPINOY WEIGHTLIFTERS, HUMAKOT NG MEDALYA SA IWF WORLD YOUTH CHAMPIONSHIP
NextPARA TABLE TENNIS: DALAWANG PINAY, NAG-UWI NG MEDALYA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Stanley Anderson, pumanaw na

Stanley Anderson, pumanaw na

June 30, 2018

Moonwalk shoes ni Michael Jackson, isusubasta

Moonwalk shoes ni Michael Jackson, isusubasta

April 27, 2018

U.K. LIFETIME SMOKING BAN: INAPRUBAHAN PARA SA KABATAAN

U.K. LIFETIME SMOKING BAN: INAPRUBAHAN PARA SA KABATAAN

April 27, 2026

Warriors Executive, dinoble ang donasyon sa All-Star team ni Stephen Curry

Warriors Executive, dinoble ang donasyon sa All-Star team ni Stephen Curry

February 22, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .