unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

DAANG LIBONG HALAGA NG OPERASYON, LIBRENG NAIPAGKALOOB SA MGA NOVO ECIJANO

Posted by philpiccio | May 6, 2026 | 0

DAANG LIBONG HALAGA NG OPERASYON, LIBRENG NAIPAGKALOOB SA MGA NOVO ECIJANO

Sa patuloy na pag-ikot ng Surgical Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, panibagong grupo ng mga pasyente ang nabigyan ng pagkakataong magbagong-buhay matapos ang kanilang mga libreng operasyon sa Gapan District Hospital.

Sa ilalim pa rin ng pamumuno nina Governor Oyie Umali at Vice Governor Lemon Umali, muling inilapit ang libreng serbisyong medikal para sa mga Novo Ecijanong matagal nang nagtitiis sa kanilang mga karamdaman.

Isa sa mga natulungan ay si Feliciano, na isang taon nang iniinda ang sakit ng kanyang hernia.

Dahil sa kakulangan ng pinansyal, tinitiis na lang niya ang hirap hanggang sa mapunta siya sa Gapan District Hospital.

Mag-iinquire lang umano sana siya, ngunit nang malamang operasyon ang tanging lunas, laking pasasalamat niya na nataon siya sa programa ng Kapitolyo na Surgical Caravan.

Ginhawa rin ang naramdaman ni Mario na halos limang taon nang tinitiis ang sakit ng kanyang cyst.

Ngayong naoperahan na siya nang libre, tila nabunutan siya ng tinik at wala na ang takot na nararamdaman.

Matinding hirap naman ang dinanas ni Lorenz dahil sa bato sa apdo.

Umaabot umano ng sampung oras ang tinitiis niyang sakit, dahilan para isugod siya sa ospital para lang magpa-inject ng pain killer. Sinubukan nilang magtanong sa mga private hospital, pero umabot sa mahigit 6-digits o hundred thousand ang posibleng gastos sa gamutan.

Ngunit, sa tulong ng surgical caravan, libre siyang naoperahan kaya inaasahang tuluyan nang mawawala ang pananakit ng kanyang tagiliran.

Asahan ang patuloy na pagbisita ng Surgical Caravan sa iba pang bahagi ng probinsya.

Layunin ng programang ito sa pamamagitan ng Provincial Health Office na masigurong kahit ang mga Novo Ecijanong nasa malalayong lugar ay makakakuha ng libreng operasyon at hindi na kailangang mamroblema sa gastusin sa pagpapagamot.

Share:

PreviousU.S. LIMITED EDITION PASSPORT: MAY LARAWAN NI TRUMP
Next73 ADMINISTRATIVE CASES VS MGA PULIS, NIRESOLBA SA INTERNAL CLEANSING NG PNP SA CENTRAL LUZON

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

DATING GURO SA KOREAN SCHOOL, ISA NG PASTORA

DATING GURO SA KOREAN SCHOOL, ISA NG PASTORA

October 13, 2023

1.4 Million ilalaan ng LGU ng Gabaldon kontra Dengue

1.4 Million ilalaan ng LGU ng Gabaldon kontra Dengue

August 14, 2019

ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, KAKARAMPOT

ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, KAKARAMPOT

October 26, 2022

HIGIT 1,000 NA TAUHAN NG PNP REGION 3, DINEPLOY SA KASAGSAGAN NG SUPER TYPHOON KARDING

HIGIT 1,000 NA TAUHAN NG PNP REGION 3, DINEPLOY SA KASAGSAGAN NG SUPER TYPHOON KARDING

September 28, 2022

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .