Naantala ang awarding ng mga kontrata para sa Bataan-Cavite Interlink Bridge dahil sa mga pangamba tungkol sa national security.
Inirekomenda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ibigay ang P3.07-billion Contract Package 2 sa consortium na pinamumunuan ng kumpanyang China Wu Yi.
Ayon sa resolusyon ng ahensya noong November 2025, sila ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa bidding.
Kaya naman sila ang napiling humawak sa Contract Package 2 ng proyekto.
Sa kabila nito, maraming indibidwal at grupo ang tumutol sa partisipasyon ng mga Chinese contractors sa naturang tulay.
Naniniwala ang mga maritime stakeholders na ang paghawak ng mga dayuhang kumpanya sa imprastraktura ay maaaring magdulot ng malaking panganib.
Tulad na lamang sa national security na posibleng magkaroon ng surveillance o sabotage.
Dahil dito, ang original schedule para sa groundbreaking ng proyekto ay muling na-postpone hanggang sa huling bahagi ng 2026.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng DPWH ang final decision at “no objection” letter mula sa Asian Development Bank.
Matatandaan na ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng $3.91 billion at layuning ikonekta ang Mariveles, Bataan at Naic, Cavite.
Kapag natapos ang tulay, ang dating limang oras na biyahe ay magiging 45 minutes na lamang.
Inaasahan din na ang project na ito ay magpapalago sa ekonomiya ng Central Luzon at ng CALABARZON.
Dahil sa mga bagong isyu sa bidding at financing, ang target na completion date ng naturang mega project ay inusog na sa taong 2030.
Gayunpaman, nananatili itong high-priority flagship initiative ng pamahalaan bilang bahagi ng pagpapaganda ng transportasyon sa buong bansa.

