Sinimulan na ang College Education Behind Bars (CEBB) program para sa mga kwalipikadong Persons Deprived of Liberty (PDL) sa probinsya ng Bataan.
Ayon sa Facebook post ng Bataan District Jail – Male Dormitory, ito ay pagbubukas ng pinto ng pag-asa para sa mga preso.
CEBB ADMISSION TEST, ISINAGAWA SA BDJMD
Kamakailan ay naganap ang Admission Test at enrollment process sa loob ng pasilidad.
Dahil sa pagtutulungan ng bilangguan at ng Bataan Peninsula State University, naging posible ang libreng kolehiyo para sa mga PDL.
SIYAM NA PDL SA BATAAN, PASOK SA CEBB
Sa kabuuang labinlimang male PDL na kumuha ng examination, siyam na aplikante ang nakapasa.
Kaya naman, opisyal na silang enrolled sa College Education Behind Bars program para sa School Year 2026-2027.
Sa ilalim ng programang ito, ang kursong Major in Midwifery ang kukuhanin ng mga mapapalad na mag-aaral.
PAG-ASA AT REHABILITASYON, HATID NG COLLEGE EDUCATION BEHIND BARS
Pangunahing layunin ng CEBB program na magbigay ng oportunidad sa edukasyon para sa mga PDL habang sila ay nasa bilangguan.
Ito rin ang magiging susi ng mga mag-aaral para sa kanilang matagumpay na muling pagbabalik sa lipunan balang araw.

