Husay ng Atletang Pinoy sa Asian Beach Games 2026
Asian Beach Games 2026 ang naging entablado ng Pilipinas sa kanilang pagbabalik matapos ang sampung taon.
Kasalukuyang ipinapakita ng mga atletang Pinoy ang kanilang galing sa Sanya City, Hainan, China.
Nagsimula ang event noong April 22, 2026 at tatagal hanggang April 30, 2026.
Sa kasalukuyan, ang bansa ay nasa ikatlong pwesto na sa pangkalahatang medal tally.
Ang Asian Beach Games 2026 ay nilalahukan ng kabuuang 101 atletang Pilipino na determinadong mag-uwi ng karangalan.
Ang mga Pinoy ay nakikipagpaligsahan sa iba’t-ibang sports tulad ng 3×3 basketball at beach volleyball.
Bukod dito, kasama rin ang jiu-jitsu, dragon boat, at beach soccer sa kanilang mga laban.
Ang mga atletang Pinoy ay kalahok din sa aquathlon, beach athletics, at beach wrestling.
Kasama rin sila sa beach handball, beach kabaddi, at sailing competitions.
Medal Rally sa Asian Beach Games 2026
Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippines Sports Commission (PSC) nitong alas otso ng umaga, April 27, 2026, ang Pilipinas ay mayroon nang pitong medalya.
Sa talaang ito, mayroong tatlong gold, dalawang silver, at dalawang bronze medals ang koponan.
Samantala, ang China ang nangunguna sa listahan na may kabuuang dalawampu’t walong medalya.
Sinusundan sila ng Thailand na may labindalawang medalya.
Dahil hindi pa tapos ang kompetisyon, inaasahan na madaragdagan pa ang koleksyong medalya ng mga bansa.
Makasaysayang Pagho-host ng Cebu City sa 2028
Samantala, dahil sa magandang performance na ito, mas lalong pinaghahandaan ang pagho-host ng bansa sa 2028.
Nakikipagtulungan ang Philippine Olympic Committee (POC) sa PSC para sa Asian Beach Games sa Cebu City.
Ito ang magiging unang pagkakataon na magsisilbing host ang Pilipinas para sa nasabing event.

