unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MAHIGIT 200 PDL SA NUEVA ECIJA, SUMAILALIM SA HIV SCREENING SA ILALIM NG PROJECT KALINGA

Posted by philpiccio | Apr 29, 2026 | 0

MAHIGIT 200 PDL SA NUEVA ECIJA, SUMAILALIM SA HIV SCREENING SA ILALIM NG PROJECT KALINGA

Mahigit 200 Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Nueva Ecija Provincial Jail ang sumailalim sa libreng HIV screening at awareness activity na tinawag na Project Kalinga.

Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng pamunuan ng piitan sa ilalim ni Jail Warden Joel John De Leon, katuwang ang Freedom Park Badminton Club at ang Provincial Health Office.

Layunin ng programa na tugunan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV at mapalawak ang kaalaman tungkol dito, lalo na sa mga komunidad na may limitadong access sa serbisyong pangkalusugan.

Bahagi ng programa ang isang lecture mula sa isang infectious disease specialist, kung saan ipinaliwanag ang mga paraan ng pag-iwas sa HIV at ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na gamutan para sa mga may sakit.

Layunin din ng Project Kalinga na mabawasan ang stigma at takot kaugnay ng HIV testing sa loob ng piitan, at hikayatin ang mas maraming PDL na magpasuri.

Dagdag pa dito, napag-alaman din na ang Safe Space Treatment Facility ay nagbibigay umano ng libreng consultation, free testing screening, free counceling at nagbibigay din aniya sila ng libreng gamot.

Ayon sa mga organizer, mahalagang maabot ang mga sektor tulad ng mga PDL upang matiyak na ang serbisyong pangkalusugan ay naipagkakaloob sa lahat.

Sa tulong ng mga volunteer, naisagawa ang screening nang maayos, ligtas, at kumpidensyal para sa lahat ng kalahok. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, pinatutunayan na ang kalusugan ay isang karapatan ng bawat isa, kahit nasa loob ng piitan.

Share:

PreviousASIAN BEACH GAMES 2026: PILIPINAS NASA TOP 3 NA
NextLIMITADONG SUPLAY NG P20 NA BIGAS, PATULOY NA IPINAMAMAHAGI SA KABILA NG MATAAS NA DEMAND

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Gulayan Festival, Lalong Nagpasigla ng Turismo sa Bayan ng Gabaldon

Gulayan Festival, Lalong Nagpasigla ng Turismo sa Bayan ng Gabaldon

January 29, 2015

PDRRMC, nagbantay upang masiguradong hindi makakapaminsala ang bagyong Chedeng

PDRRMC, nagbantay upang masiguradong hindi makakapaminsala ang bagyong Chedeng

April 8, 2015

Ginang Kooperatiba, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija

Ginang Kooperatiba, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija

September 26, 2017

Libreng gamutan sa Klinikang Bayan ng CBHP, sisimulan na

Libreng gamutan sa Klinikang Bayan ng CBHP, sisimulan na

October 27, 2016

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .