Drug-free workplace certifications ang iginawad ng Regional Peace and Order Council (RPOC3) at Department of the Interior and Local Government (DILG) – Central Luzon sa anim na bayan sa rehiyon.
Kinilala ng konseho ang mga lokal na pamahalaan na napanatiling malinis ang kanilang mga opisina at mga empleyado mula sa ilegal na droga.
Dahil dito, binigyang-diin ni RPOC3 Chairperson at Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat sangay upang tuluyang mapuksa ang krimen sa buong Central Luzon.
ILANG LGUs SA NUEVA ECIJA, BULACAN, AT TARLAC, PINARANGALAN
Sa Nueva Ecija, tumanggap ng certificate ang mga bayan ng Jaen at Licab.
Habang kinilala rin ng konseho ang mga bayan ng Bulakan, Norzagaray, at Guiguinto na matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan.
Ang drug-free workplace certification ay iginawad din sa bayan ng Santa Ignacia sa probinsya ng Tarlac.
Ang mga awardee na ito ay sumailalim sa masusing pagsusuri ng DILG upang masiguro ang kalinisan ng kanilang hanay.
PAGKAKAROON NG DRUG-FREE WORKPLACE CERTIFICATION. INSPIRASYON SA IBANG LGUs
Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, masisiguro na ang mga empleyado ng gobyerno ay nagtatrabaho ng malinis at maayos.
Ang mga ganitong parangal ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga bayan na paigtingin ang kanilang mga lokal na polisiya kontra ilegal na droga.

