North korean footballers ang dumating sa South Korea para sa gaganaping Asian Football Confederation (AFC) Women’s Champions League semi-final ngayong linggo.
Ang delegasyon ay binubuo ng 27 players at 12 staff mula sa Naegohyang Football Club (FC).
Makakatunggali nila ang Suwon FC Women sa lungsod ng Suwon pagkatapos ng walong taong kawalan ng sports exchange.
Dahil dito, mabilis na naubos ang lahat ng 7,087 na tickets para sa laro sa loob lamang ng isang araw.
Pagbabalik ng North Korean Footballers
Kahit itinuturing ng North Korea ang South bilang kaaway, nananawagan si South Korean President Lee Jae Myung ng kapayapaan.
Bukod dito, umaasa ang ruling Democratic party ng South Korea na ang larong ito ay magbubukas ng komunikasyon sa pagitan ng North at South.
Walang Kantang Pambansa at Bandila
Dahil club tournament ito at hindi laban ng bansa, walang patutugtuging national anthem sa simula ng programa.
Hindi rin papayagan ang paggamit ng political symbols tulad ng Korean Unification flag ayon sa patakaran ng AFC.
Iskedyul ng Mainit na Labanan
Magsisimula ang tapatan sa ganap na alas-siyete ng gabi sa darating na Miyerkules sa stadium ng Suwon.
Ang mananalo sa laban na ito ay makakaharap ang Melbourne City o Tokyo Verdy sa final sa Sabado.
Kung matatalo ang Naegohyang FC, agad na babalik ang koponan sa kanilang bansa sa susunod na araw.

