Babala! Sensitibong Balita: Zambales Massacre Suspect
Sa wakas, arestado na ang Zambales massacre suspect matapos ang operation sa Barangay San Vicente, Baguio City.
Ayon kay Brigadier General Jess Mendez, naaresto noong Biyernes, May 15, ang suspek na kinilalang si Ryan.
Sinabi ni Police Colonel Benjamin Arriola, naganap ang masaker noong December 9, 2024 sa Sta. Cruz, Zambales.
Natagpuang patay sina Dr. Lynette Maten Metra, sanggol na si Amanda Rynelle, at kasambahay na si Dianara Mayo.
Nangyari ang krimen sa bahay ng doktora sa Purok Maralucap, Barangay Pagatpat.
ZAMBALES MASSACRE SUSPECT, NADAKIP DAHIL SA IMPORMASYON NG ISANG TESTIGO
Samantala, isang saksi ang lumitaw ilang buwan matapos ang masaker at nagbigay ng mahahalagang impormasyon.
Dahil dito, nakabuo ng kaso ang mga imbestigador laban sa pangunahing suspek sa krimen.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

