Bilang pakikiisa sa taunang paggunita sa mga pumanaw dahil sa HIV/AIDS, nagsagawa ang Bongabon District Hospital ng HIV Screening at Candle Lighting Program upang palakasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng maagang pagsusuri at pag-iwas sa HIV.
Sa programa, binigyang-diin ng mga health worker na nananatiling libre at kompidensiyal ang HIV counseling at testing na iniaalok ng ospital para sa lahat ng mamamayan.
Ipinaalala rin ni Polmeciador na mahalagang magpasuri lalo na kung may pagdududa o posibleng exposure sa virus, sa halip na umasa lamang sa mga sintomas.
Tiniyak ng ospital na may sapat na suporta at referral services para sa mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang konsultasyon at gamutan.
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng ospital sa Pamahalaang Panlalawigan, Provincial Health Office, at mga katuwang na ahensya sa patuloy na pagsuporta sa mga programang may kinalaman sa HIV prevention at awareness.
Sa huli, hinikayat ang publiko na maging mapanuri, kumuha ng tamang impormasyon, at samantalahin ang libreng HIV testing bilang hakbang tungo sa mas ligtas at malusog na komunidad.

